Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (20 votes, average: 4.10 stars)
Loading...

Iniwan Mo Akong Nag-Iisa – Siakol Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Iniwan Mo Akong Nag-Iisa – Siakol

Iniwan Mo Akong Nag-iisa – Siakol

Nasaan ka na ngayon
Ako’y  palingon-lingon
Di ko maintindihan kung bakit nagkagano’n
Iniwan mo akong nag-iisa

Wala akong matanaw
Kahit isang langaw
Wala akong makausap
At walang gumagalaw
Iniwan mo akong nag-iisa

 Chorus
Iniwan mo akong nag-iisa
Dahil lahat ay iyong sinama
Kamag-anak, kapitbahay
Kaibigan at kaaway
Bakit hindi ka man lang nagtira

Aking naalala no’ng kasama pa kita
Kahit wala sila, paligid ay ano’ng saya
Ito na ba ang tinatawag na karma

Ano ang nagawa at nandamay ka pa sinta
Ba’t di na rin dumadaan ang tindera ng kutsinta
Na-miss ko rin ang naniningil sa mga utang ko

Iniwan mo akong nag-iisa
Dahil lahat ay iyong sinama
                                  
Mga artista, mga pulitiko
Mga botante at kandidato
Bakit hindi ka man lang nagtira
At bakit ba iniwan mo akong nag-iisa

Sige na ibalik mo na sila
Kahit sino, kahit huwag ka na
Nang may makausap lang dito
At baka iwanan na rin ako ng malay ko
 
Iniwan mo akong nag-iisa
Dahil lahat ay iyong sinama
Pati sundalo, pati aktibista
Pati turista at terorista
Bakit hindi ka man lang nagtira
At bakit ba iniwan mo akong nag-iisa

Videokeman Search