Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (2 votes, average: 3.50 stars)
Loading...

Gobyerno – Siakol Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Gobyerno – Siakol

Hoy mama, manggagawa,
kahit pa magkanda kuba
Ang kita mo’y kapus pa rin sa baba
Sa bansa ang namumuno’y iba ang gawa

Hoy ale, sa isang tabi magtinda
ka na lang hanggang gabi
Sa ating bayan na nahuhuli
Ganito na lang palagi ang nasasabi

Paulit-Ulit lamang araw-araw
Ang takbo ng ating buhay
Paulit-ulit wala bang pagbabago
Ang pamamalakad ng gobyerno

Hoy pare, d’yan sa rali
lagi ka na lang kasali
Itanim mo sa iyong kukote
kahit sinong maupo sa nakaw ay nawiwile

Hoy mare, tulad dati, sumisigaw
nakikipag-debate, “Palitan
na ang Presidente!”eh
Ano pa rin palagi ang nasasabi

Repeat Chorus