Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (39 votes, average: 4.90 stars)
Loading...

Suplado Feat Thyro & Juan Tamad – Shehyee Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Suplado Feat Thyro & Juan Tamad – Shehyee

Yo tol, kapatid, repa, tropapips.
Dre, bro, parekoy at sa mga chicks!
Ako nga pala si christopher john ongkiko,
nagpapasalamat sa mga tao na sa gigs

namin ay nagpupunta.
sa mga nakapunta, yo! kamusta?
pasensiya na puno na,
hindi ko na kayo ma-add
Don’t worry kasi tanda
ko naman kayong lahat.

Sa iba lapit lang huwag kayong mag-alala
sa battle lang ako nangangagat.
kung minsan ‘di ko kayo napansin
malamang meron lang akong kailangan unahin

at alam ko na gets niyo na yun,
kaya di ko na siguro kailangan pang sabihin
pero meron palang iba na matampuhin,
kayo ang kailangan ko munang kausapin

bago magtampo pwede ba na easy muna?
pag ‘di nagreply suplado?
pwedeng busy muna?
hindi ako sikat, ito lang talaga
“Gawin mo yung pagtratong
gusto mong gawin sayo ng iba” diba?

ganun lang naman kasimple,
pag ako yumaman? kayo ay ililibre.
OO! pag andoon na ako, ako na ang taya.
gusto mo bang sumama?
Halina, huwag na mahiya.

Chorus:
Lapit lang ‘di kami suplado,
‘di kami suplado,
di ako suplado! 2x

ThyRo:
kung kayo’y di ko napapansin
huwag sanang magtampo
oh ito’y di mo sana damhin
sana’y pagpatawad niyo

baka kesyo nainis o medyo nabadtrip o
medyo mabilis ang metro ng taxi ko
maraming beses inakala na masungit
pero mabait sa tagahanga na masugid

oh diba ganun lang naman kasimple,
pag ako yumaman? kayo ay ililibre
oo! pag andoon na ako, ako na ang taya.
gusto mo bang sumama?
halina, huwag na mahiya.

Chorus:
Lapit lang ‘di kami suplado,
‘di kami suplado,
di ako suplado! 2x

Juan Lazy:
magkabila ang kislap ng ilaw na kumukutitap
imbes na magpasilaw, ang mata’y dinilat ng
makita ko’t maipakita sa iba na may halong
pagsusumikap ang lahat ng ginawa ko ay

bukal sa loob kahit mahirap
ipaliwanag minsan sa’king kaibigan
pati na rin sa pinsan
kahit na saglit lang
wala namang nagbago, ako parin si christian.

sa mga dati nakaalitan, peace diyan pare.
wala namang nag-iba sa aking ugali.
kahit tal\blado madalas hindi kasali
ngayon meron ng upuan para sa’kin
na bakante

sa haba ng biyahe, at masikip na traffic
mula sa mandaluyong, papunta ng pasig
sa kalye ko binase ang dala kong gamit
sa battle naman ako tigre kung magalit

kaya wag ka matakot na lumapit magpa-pic
kung aabot GL kita sa gig para astig
kayo ang vip sa kantang ‘to kapatid
kung gusto mo uulitin ko kung di mo nabatid

diba ganun lang naman kasimple,
pag ako yumaman? kayo ay ililibre
oo! pag andoon na ako, ako na ang taya.
gusto mo bang sumama?
halina, huwag na mahiya.

Chorus:
Lapit lang ‘di kami suplado,
‘di kami suplado,
di ako suplado! 2x

Videokeman Search