Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (2 votes, average: 3.00 stars)
Loading...

1nthrow – Shanti Dope Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of 1nthrow – Shanti Dope

Nakiangkas sa giniginaw na pulang kabayo,
dalada na sibat ay tulang magarbo,
pinahatid ang mga malalang regalo ko
sa utak alimango (maluwang na karo).
Gitgitan na kami ng aliwin ng mga pangarap na hindi kaya bilin,
madami man ang pumapantasya bilang lang sa daliri ang pwede tumikim.
Mundong inakala kong laro lang,
nasimulan na maging kilala ko na pagkatapos sawayin ng mga karanasan na dala ko piring sa mata.
Kinagatan ang trip ng karamihan kahit na hindi madaling nguyain sa panga,
baka naman ay mag yapak ka nalang pag nagpalit tayo ng mga sapin sa paa

Katawa-tawa na isipin, ngayon pa ko nadala sa pagiging
patapon na malala sa alipin ang mahalaga nabawi rin,
may napapala kada gising ko,
sa kama kahit na gipit ako na dumilat ay todo kayod kalabaw
kahit na walang sahod sa lamesa walang karapatan na mapagod
kung di na kaya ibigay ni itay ang mga hiling sa dumaan na kometa.
Panahon na para ilabas ang mga kaalaman na itinabi ko sa bodega,
ang usapan ba dito karera? Dala ko’y tangke na de kalesa.
Bumbilya ko’y alam ko na paganahin ayoko na magtiyaga pa sa gasera!
Ang haring araw ay nakauwi na
ano kayang ipapakita ko na mukha sa buwan nakangiwi ba
o nakangiti na parang nakakita ng mga hitang mala Ara Mina,
pagkadoble cara pangkaraniwan sa mundo na dalawa lang ang pwede pagpilian
sumabay sa alon o magpakasalbabida ugh!
Habang sila tanging hangarin di na gumamit pa ng pambura,
akin ay pano pa ba ko sa sariling baho ko mapasuka.
Sa dami ng palabukang bibig di ko maiwasan na mapamura,
ako laban sa mga tengang panalang latak lamang ang napuna

Kaya kung bakit ba ko nandito?
Karaniwan na tanong ng ilan,
kahit na sa pagkabalagong nalibang niluwal ako para sa matinong dahilan.
Kahit patapon sa ilan pagkakataong hiniram nagkaron parin ng dahilan
para umasa na dumating ang panahon ng napakalagong anihan
Pinili ang mga dapat kalabanin pero di kung sino ba papalagan.
Bago pa gawin na katawa tawa pagkatao na di nila tipo makita pinakawalan,
mala Romy Diaz sa sulatang pagiging bida gaganapan sariwang era ko’y abangan.
Peke ang mundo na iyong ginagalawan kung ang katotohanan ay hindi mo pa nahubaran!