Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (No Ratings Yet)
Loading...

Magkaisa – Sevenes Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00

Lyrics of Magkaisa – Sevenes

1ST VERSE:
Alam mo ang dami kong nakikita sa paligid ko, iniisip ko, bakit ba lagi na lamang ganito

nais ko lang sabihin sa inyo ang mga damdamin ko, mga nadarama na nanatili sa isipan ko

mga opinyon na gusto ko ng iparating, sa lahat, sa inyo, sanay inyong angkinin

Yo, Ang dami daming ng bagay nangyayari sa atin, mga nasasaktan, lamayan.. wala akong masabi

Kung di gumising ka, alam mo ba kung bakit? Kumilos ka, Makinig ka, tumingin ka sa iyong paligid

Iyong isipin, sige iyong isipin..Una sa lahat, sa katiwalian, kasamaan, sasabihin ko

na ang daming lason, ang daming kaguluhan, bulaan na tao.. gusto lang namin ng kapayapaan!

buhay na mapayapa bigyan mo ng kahulugan.. huwag mong lokohin ang kapwa mo, aba sobra na yan

wag mong lokohin ang sarili mo iyong tandaan, na ang buhay ay hindi laro hindi ito laruan..

oo hindi laruan.. kung hindi isang tunay sa buhay narito ako upang ipaalam

na sabihin sayo na imulat mo ang iyong mata, at tingnan mo ang iyong dinadaanan upang di ka maligaw masaktan..

pagmasdan mo ang mga bagay na dapat bigyan pansin, at alamin ang tunay na nangyayari sa atin

ang tunay na damdamin ng makita mo na rin ang kailangan nating gawin sa bansa natin bayan..

Akin, sisikapin, pipilitin, makatulong sa inyo, narito ako upang iparating ang mensaheng ito

ito ang nasa puso ko, isip ko at damdamin ko, pagbabago ang gusto ko

mag kaisa , itatak mo to, magtulungan, ibahin natin ang mundong ito..

CHORUS:
Magkaisa! yan lang naman ang gusto ko,

Magkaisa! Ang dapat mangyari sa mundong ito,

Magkaisa! Tayo ay mag hawak kamay, Ipaglaban ang tama, halika sa akin ka sumabay!!

Magkaisa! yan lang naman ang gusto ko,

Magkaisa! Ang dapat mangyari sa mundong ito,

Magkaisa! Tayo ay mag hawak kamay, Ipaglaban ang tama, halika sa akin ka sumabay!!

2ND VERSE:
Magkaisa! huwag ka mawalan ng pag-asa, dahil nandyan ang Diyos

para sa’tin sya ating kasama, lumapit ka sa kanya, huwag lang pag tuwing may problema

kung di iukit mo sya sa puso at maniwala, alam ko makasalanan tayo.. alam ko bata

tao lang tayo nagkakamali, nagdudusa, nasasaktan minsan ay malas at nagkakasala

iba walang patawad sa kapwa hindi maawa, iba walang puso walang kinikilala

walang sinasanto kahit bata man o matanda, ang akin lang naman ay sana mahanap mo na

sa puso mo at sana muli tanggapin mo na sya

panginoon tulungan po ninyo kaming magkaisa, dahil sa mga oras na ito kailangan ay isang himala

nandito ako pinagdadasal ang bawat isa , sa lahat ng tao sa bansa namin sa kalusugan

sa pamilya kaibigan tayo’y magtulungan, ipagdasal mga tao nangangailangan

yung walang trabaho, tirahan, ngayong kasalukuyan

yung walang makain, yung mahirap walang matuluyan

buhay nga naman sadyang ganyan minsan tayo’y natatapakan

sige bumangon ka bata sige kumilos ka, kaya mo yan, magsikap ka laging manalig ka

gumawa ka ng mabuti bata at maglingkod ka, Ang Diyos ang ating Ama, Tanggapin mo na sya!

BRIDGE:
Kung naniniwala ka.. na dapat magkaisa tayo itaas ang yong kamay

Kung naniniwala ka.. na dapat magkaisa tayo sa akin ka sumabay

Kung naniniwala ka.. na dapat magkaisa tayo itaas ang yong kamay

Kung naniniwala ka.. na dapat magkaisa tayo sa akin ka sumabay

SEVENES!

CHORUS:
Magkaisa! yan lang naman ang gusto ko,

Magkaisa! Ang dapat mangyari sa mundong ito,

Magkaisa! Tayo ay mag hawak kamay, Ipaglaban ang tama, halika sa akin ka sumabay!!

Magkaisa! yan lang naman ang gusto ko,

Magkaisa! Ang dapat ng mangyari sa mundong ito,