Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (107 votes, average: 4.72 stars)
Loading...

Naki Uso Ka Rin by Hush – Sean Primero Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Naki Uso Ka Rin by Hush – Sean Primero

Chorus
Sali sali , kahit bulol pa pagkasabe sabe
Maglalaro ng ganito kahit wala pang kain
Kasi dati nga ay uso oohh
Kahit tulo pa ang uhog
Kahit tayoy matanda na alam mong
Naki uso ka rin

Verse 1
Naalala mo ba dati nung una kang nadapa
Yung unang beses mong gumala at bigla kang nawala
Sa larong taguan tinginn ma-huli kaya?
Lagit-lupa , mahuli tayaaa !!
Kapag nahuli kita tol ikaw naman next
Iba ibig sabihin pag sinabe kong text
Kapag sinabe kong cha ! Kapag sinabe kong chob
Madami nakong ipong tanzan, palitan ng pogz!
Ang mga tropang trumpo ilabas nyo na yung chati
Isang ice water , lima ang maghahati
Tanghaling tapat nakakabad sa arawan ,
Suot ang bagong damit kapag iyong kaarawan
Kay sarap balikan , ng ating pinagmulan
Habang naghahabulan sa tampisaw ng ulaw
At pagkatapos mong maligo alis na naman
Yare kay inay kasi pawis na naman

Chorus
Sali sali , kahit bulol pa pagkasabe sabe
Maglalaro ng ganito kahit wala pang kain
Kasi dati nga ay uso oohh
Kahit tulo pa ang uhog
Kahit tayoy matanda na alam mong
Naki uso ka rin

Verse 2
Ang mga kapilyuhan ng mga medyo badboy
Talo ka na nga tatawagin pang achoy !!
Karoling, sa hatian dapat ay patas
Ginagawang tambol tol ang lata ng gatas
Takbo pangharabas hinabol ng aso
Mga feeling macho nagbu bunong braso
Maraming turnilyo pero di karpintero
Agawan sa patotot pag patintero
Bahay bahayan dapat merong kiss
Kocheng kuba, PENDONG PEACE !!
Sabay katok ka sa baba at baka mabobo
Kala ko totoo tol nakaka loko
Bagong sapatos , tapakan na yan
Ahhh hawakan mo nga tenga, sapakan na yan
Pag nahuli ni nanay , sa bahay UWI
Tapos tropa uli , yan away bati !!”

Chorus
Sali sali , kahit bulol pa pagkasabe sabe
Maglalaro ng ganito kahit wala pang kain
Kasi dati nga ay uso oohh
Kahit tulo pa ang uhog
Kahit tayoy matanda na alam mong
Naki uso ka rin

Verse 3
nanay tatay sili sili ma-anghang
tubig tubig malamig lagot ka sakin
kaw ay bang ? sak! save!
agaw ko ang base mo
sabihin sa akin kung step no ,
bahay na ba sunog bahay ka na
di ka na namen bati at nandadaya ka
na shoot na pati pato
sge na ito na ang balato
lika dun tayo sa poso
kuha ka na ng sabon balde at tabo
chiki chiki bam is the bubble gam
masarap ito at malinamnam bumili kayo sa tindahan
chikichiki bam is the bubble gam

Videokeman Search