Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (56 votes, average: 4.63 stars)
Loading...

Bata, Bata, Ano Ang Pangarap Mo – Sarah Geronimo Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Bata, Bata, Ano Ang Pangarap Mo – Sarah Geronimo

brasong payat ang unan,banig mo ay karton
nanginginig ka sa ginaw, sa higaan kariton
damit mo na gusgusin,hindi na nalabhan
kahapon pa kumain ng mula sa basurahan.

mga batang lasangan sa gubat na aspalto
kasama ng barkada,estambay sa kanto
ang iba’y nagtitinda ng sampaguita,sigarilyo
o namimili na lang ng mga bote at diyaryo

(refrain)
bata,bata,ano ang pangarap mo?
pag laki mo kaya,ika’y maging ano?
kung nag -aaral sana,musmus na katulad mo
sisibol ang pag-asa,ng kabataang pilipino

sa lipunan ng mga pipi,bulag at bingi
walang pumapansin sa tahimik mong hikbi
pag-asa ka ng bayan,tadhana’y malagim
hinigop ng buhawi,nilamon ng dilim…ohhhh

bata,bata,ano ang pangarap mo?
pag laki mo kaya,ika’y maging ano?
kung nag -aaral sana,musmus na katulad mo
sisibol ang pag-asa,ng kabataang pilipino

bata,bata,ano ang pangarap mo?
pag laki mo kaya,ika’y maging ano?
kung nag -aaral sana,musmus na katulad mo
sisibol ang pag-asa,ng kabataang pilipino

nasadlak kaman ngayon,sa hirap at dalita
pukawin ang pag-asa,maabot nag adhika
kahit nagigipit sa diyos lang ang kapit
ang magandang bukas sa wakas ay makakamit