Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (1 votes, average: 4.00 stars)
Loading...

Putik – SANDWICH Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Putik – SANDWICH

Sa ibabaw ng bubong
Nakita kong nagunaw ang mundo

Pumasok sa pinto ng hindi inimbita (putik)
Kailangan mo ng lamesa, tv, radyo at sofa (putik)
Alaala sa mga larawan (putik)
Naglaho nang hindi nagpapaalam (putik)

Umakyat sa hagdan at sinakop ang silid (putik)
Kinain ang kama, tukador, kabinet, sahig (putik)
Ubos ang mga sapatos at damit (putik)
Libro, kompyuter, cd, gitarang di maipagpapalit

Sa ibabaw ng bubong
Nakita kong nagunaw ang mundo
Sa ibabaw ng bubong
Nakita kong nagunaw ang mundo

Sa labas rumaragasang ilog ang kalsada (putik)
Inanod ang palengke at lahat ng paninda (putik)
Nagpatong-patongg trak, jepney at kotse (putik)
Buong bayan nagkulay tsokolate (putik)

Pagpalain ang mga nakaisip mangsagip
Inalay ang sarili at lumusob sa panganib
Buti na lang naiakyat si lola
Ngunit di kasing palad ang kapitbahay niya

Sa ibabaw ng bubong
Nakita kong nagunaw ang mundo
Sa ibabaw ng bubong
Nakita kong nagunaw ang mundo

Nagunaw ang mundo

Videokeman Search