Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (13 votes, average: 3.92 stars)
Loading...

Sa’yo Lang Ako – Sagpro Family Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Sa’yo Lang Ako – Sagpro Family

hindi ko alam kung anong bagay dito na pang-umpisa
basta’t mahal kita hanggang ngayon walang pinag-iba
ang pagtingin sa’yo, lalong lumalim na nung
magtagal ka saking tabi
batid ko sanang tayo’y makasal nang agaran
at harapan kita paninindigan
umaga tanghali gabi handang-handang pag-silbihan
ang isang katulad mo na sa lahat ay kakaiba
sayo ko lamang natutunan na isayad ang mga paa
ko sa lupa at baguhin ang ugaling bagong-bago
na tila na mabangis na isang hayop at ikaw ang nag-paamo
saking puso na nuon pa man nagkadurog-durog
na binuo mo at taas noong walang halong tutok
mong tinanggap ang lahat kailanma’y di pinagdudahan
na mag-isip ng kung ano pa ma’y di hahayaan
ko na gawin mo yan pagkat ako lang at ikaw
ikaw ang nagbigay liwanag nung ako ay maligaw

Chorus:
habang buhay sayo lang ako
hinding-hindi ito magbabago
sigaw ng damdamin na sana’y pakinggan
at ang aking hiling sana’y iyong pagbigyan

buhay ko ay nag-iba mula nung ika’y makilala
kalungkutan kong dala-dala tuluyang nawala
at ang galit saking puso ay biglaan na naglaho
nang dahil sa iyo, ang dating gago ay nagbago
ano bang ginawa mo? bakit nagkaganto?
siguro nga mahal kita kaya pilit binago ko
ang saili ko para sayo upang mapatunayan
na ikaw lang ang babaeng minahal sa katunayan
hindi ko kaya mabuhay nang wala ka
ngiti saking mukha nawawala kapag wala ka
kaya sana pakinggan mo ang sasabihin ko
ikaw na ang uling babae na iibigin ko
walang iba kundi ikaw pangalan mo’y laging sigaw
ng puso na ako’y naligaw na hinahanap ay ikaw
pagkat sa buhay ko, ikaw ang nagbigay kahulugan
ang mabuhay nang wala ka ay walang kabuluhan

Chorus:
habang buhay sayo lang ako
hinding-hindi ito magbabago
sigaw ng damdamin na sana’y pakinggan
at ang aking hiling sana’y iyong pagbigyan

ikaw sa akin, ako ay sayo habang buhay na sa mundong ito
pagmamahalan natin nabuo ang dahilan ay ikaw at ako
mananatiling sayo lamang hindi na maghahanap pa
lalo akong napapamahal ganitong tumatagal pa
ang relasyon pakikisama natin sa isa’t-isa
bawat pangaan nating dalawa nagpasyang pinag-isa
sabay na magtutulungan mga pangakong tutuparin
kahit anong dumating na pagsubok ang tulad ko nandito pa rin
hindi ka pagtataksilan ako sayo magiging tapat
patutunayan ang lahat ng nais kong ipagtapat
pagkat ikaw ang syang nagpasya kapag kasama ko
sa piling ko, ang hiling ko ikaw ang makasama
hanggang sa ating pagtanda, ikaw ay sa akin ay mahalaga
ang pag-aalaga ko wala ng iba sayo lang talaga nakatalaga
nung dumating ka sa aking buhay, nagpapasalamat ako sa panginoon
pinakingan nya aking mga dasal, binigyan niya ako ng pagkakataon na

Chorus:
habang buhay sayo lang ako
hinding-hindi ito magbabago
sigaw ng damdamin na sana’y pakinggan
at ang aking hiling sana’y iyong pagbigyan

malayo man ating agwat sa edad at karanasan
pagmamahal ko na ito hindi mababawasan
tila ba walang hanggan at hindi mag-iiba
pinapangako ko sinta di na hahanap ng iba
hawak-hawak ang kamay sabay tayong maglalakbay
ako magsisilbing gabay, sayong tunay magbabantay
ang sarap sa pakiramdam parang nais kong isigaw
mga pangarap na inukit sumpaan di na bibitaw
dahil ikaw ang syang nag-ayos sa mundo ko na magulo
nalampasan ko lahat ng ito dahil sayo naka-ahon ako
di mo iniwan mag-isa, saang landas man mapunta
kakaiba ka sa lahat-lahat ng aking nakilala
sususuning ang mga problema magkasamang tatahakin
tayong dalawa sa habang buhay pagsasama pagtibayin
na hindi na mhihita ng kahit na sino pa man
nandito ako handang sandalan sa panahon na iyong kailangan

Chorus:
habang buhay sayo lang ako
hinding-hindi ito magbabago
sigaw ng damdamin na sana’y pakinggan
at ang aking hiling sana’y iyong pagbigyan