Videokeman
Send "Huwag Ka Nang Magbabalik – Roselle Nava" Ringtone to your Mobile
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (2 votes, average: 4.00 stars)
Loading ... Loading ...



Lyrics of Huwag Ka Nang Magbabalik – Roselle Nava

Huwag Ka Nang Magbabalik – Roselle Nava

No’ng ako ay iwan mo, gumunaw ang daigdig
Pagka’t tanging sa ‘yo lamang ang aking pag-ibig
Ngunit sa pagdaan, sa paglipas ng taon
Ang pusong sugatan sa wakas ay naghilom

‘Wag mo sanang biglain sa iyong pagbabalik
Ang idlip na damdamin, ang puso kong natinik
Ang tamis ng pagsinta at init ng halik
Ang ibig madama, ‘di man umiimik

CHORUS
Pakiusap ko sa ‘yo’y huwag ka nang magbabalik
‘Pagkat itong puso ko ay sa ‘yo pa rin nasasabik
Kung saka-sakali man, akin nang nababatid
Sa ‘yo’y mahuhulog lang kaya’t huwag na huwag ka nang magbabalik

[Repeat 2nd Stanza]
[Repeat CHORUS]

BRIDGE
‘Di ko kayang pigilin ang sigaw nitong damdamin
Labis man akong sinaktan, ikaw pa rin ang aking mahal, hoh

Repeat CHORUS