Videokeman
Send "Mahal Kita Pero Di Mo Lang Alam – Rocksteddy" Ringtone to your Mobile
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (16 votes, average: 4.50 stars)
Loading ... Loading ...



Lyrics of Mahal Kita Pero Di Mo Lang Alam – Rocksteddy

Matagal ko nang gustong malaman mo
matagal ko nang itinatago-tago ‘to
nahihiyang magsalita at umuurong aking dila
pwede bang bukas na, ipagpaliban muna natin ‘to

[refrain]
Dahil kumukuha lang ng tyempo
upang sabihin sa iyo

[chorus]
Mahal kita pero ‘di mo lang alam
mahal kita pero ‘di mo lang ramdam
mahal kita kahit ‘di mo na ako tinitignan
mahal kita kahit ‘di mo lang alam, oh oh woh

Matagal ko nang gustong sabihin ‘to
matagal ko nang gustong aminin sa ‘yo
sandali, eto na at sasabihin ko na nga
ngayon na, mamaya o baka pwedeng bukas na

[refrain]
Dahil kumukuha lang ng bwelo
upang sabihin sa iyo..

[chorus]
Mahal kita pero ‘di mo lang alam
mahal kita pero ‘di mo lang ramdam
mahal kita kahit ‘di mo na ako tinitignan
mahal kita kahit ‘di mo lang alam, oh oh woh

[adlib]

[refrain]
Ngunit kumukuha lang ng tyempo
upang sabihin sa iyo …

Mahal kita pero hindi mo lang alam
hindi mo alam kasi hindi mo naman ako tinitignan
ayaw mo naman itanong sa ‘kin kasi baka
nga naman hindi naman ikaw
at hindi ko rin naman sa ‘yo sasabihin kasi
ayoko pa sa ngayon na manligaw
mahal kita pero hindi nga lang halata
hindi halata kasi wala nga naman akong ginagawa
hindi ako kumikibo, hindi ako nagsasalita, wala
pero hindi ako torpe
hindi ko lang talaga masabi sa ‘yo nang harapan
mahal kita pero dehins mo pa rin ramdam
hindi mo ko titignan, hindi rin kita titignan
lagi mo lang akong pakikiramdaman, lagi
rin kitang pakikiramdaman
at araw-araw tayong magdededmahan
hanggang sa tayo ay magkabistuhan
pero ngayong malapit nang matapos ang kanta
ko, nais kong magkaalamanan na
nais kong ako na rin ang magsabi sa ‘yo nang harapan
kasi alam kong do.n din naman ang tuloy niyan
at dalawa din lang naman ang
posibleng sagot d.yan: oo o hindi
kaya.t eto na, sasabihin ko na para
matapos na at hindi na
magka-chismisan pa
sasabihin ko na para wala nang
problema at para hindi na rin kayong
lahat nabibitin pa

[chorus]
Mahal kita pero ‘di mo lang alam
Mahal kita pero ‘di mo lang ramdam
Mahal kita kahit ‘di mo na ako tinitignan

[coda]
mahal kita kahit lagi mo akong dinededma