Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (50 votes, average: 4.60 stars)
Loading...

Puyat – Rjay Ty Ft. Ron Henley Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Puyat – Rjay Ty Ft. Ron Henley

Chorus]
Mata’y mulat hanggang sumikat ang araw
Pangarap ay sumikat balang araw
Ligaya ang dala, liwanag ang taglay
Ilawan ang kadiliman hanggang sa mga mata’y…
Mata’y pungay hanggang sumikat ang araw
Pangarap ko lang sana’y marating ang ibabaw
Ligaya ang dala, liwanag ang taglay
Ilawan ang kadiliman hanggang sa mga mata’y…

[Rjay Ty]
Singit at papikit na, susulat pa ng letra
Makabagong propeta ang dating ng aking pwersa
Kahit pa antukin sa dilim ay hinding hindi
mapapatulog
Hinubog ng bilog na buwan ang dila
Matalas kung humiwa, madalang kung humina
Madalas sa kusina, mas malakas kung sumipa
Hindi nga? Ang ayaw maniwala eh di wag
Bawal ang sabit patungong langit aming paglipad
Kahit hindi kita’ng nilalakarang hagdan
Di pa rin papapigil sa bawat hakbang
Hahanapin ang tamang daan, tatahakin, di tatantanan
Di maiisahan, lalong bibilisan, tiis lang at
malalagpasan
Ang hirap may ginhawa, lungkot may ligaya
May awa sa Diyos sa kanya’y magtiwala
Sa bawat pagsubok ay mayroong pag-asa
Tuparin ang pangarap, pagbangon sa kama

[Chorus]
Mata’y mulat hanggang sumikat ang araw
Pangarap ay sumikat balang araw
Ligaya ang dala, liwanag ang taglay
Ilawan ang kadiliman hanggang sa mga mata’y…
Mata’y pungay hanggang sumikat ang araw
Pangarap ko lang sana’y marating ang ibabaw
Ligaya ang dala, liwanag ang taglay
Ilawan ang kadiliman hanggang sa mga mata’y…

[Ron Henley]
Bumigat at panandalian kong maisara
Baka sakaling makasulat ng isa pa
Nung nasagap ng tenga ang tunog ng trumpeta
Sunud-sunuran sa bagsakan parang buntot ng
kometa
Umapaw ng salita kahit kulang sa pahinga
Binuklat ko yung pahina bumukas yung makina
Pero utak piniga ko pa, makuha ko lang yung timpla
Nagdagdag ng sago sa gulaman, naging puto sa
akin ang kutsinta
Mga manok na naka-two piece pa, nagiging paniki
nakikipagtalik
Sa oras kung saan lahat ng lansangan bibihira
magtrapik
Pinutakte ng bubuyog ang nasusunog na bulaklak
dun sa amin
Halamanan na nalanghap nila’y usok na lumulunod
sa buong pamayanan Pagtingin ko sa kalangitan, iba
ang ngiti sa akin ng buwan
Marahil ay may araw nanaman daw na dapat
abangan
Binigyan tayo ng tig-bebente kwatro oras
Nanghiram ako ng apanapu’t walo, babayaran ko
bukas kaya.

[Chorus]
Mata’y mulat hanggang sumikat ang araw
Pangarap ay sumikat balang araw
Ligaya ang dala, liwanag ang taglay
Ilawan ang kadiliman hanggang sa mga mata’y…
Mata’y pungay hanggang sumikat ang araw
Pangarap ko lang sana’y marating ang ibabaw
Ligaya ang dala, liwanag ang taglay
Ilawan ang kadiliman hanggang sa mga mata’y…

Luminaw at di muling lalabo pa
Paano ba naman kasi ay alam ko na
Ngayon kung ano ang tamang paraan ng pagtantsa
Respetong iniipon parang mga pisong umaapaw sa
May alkansya,bago ako nagkaroon ng buo
Dumakot muna ako ng katakot-takot na barya
Rinig ko ang mga tawa ng lamok, tsismisan ng mga
gamu-gamo
Dahil di ako dinadalaw ng antok
Pero kahit pa ganun na ang pabaon ng tadhana
Hinding-hindi susuko, sumumpa sa mga tala
Madapa’t masugatan ng mali ay itatama
Lahat ay posible, pasasalamat kay Bathala
Palakad-lakad sa tabi, gabi-gabi di mapakali
Nakikipagtitigan sa kisame, pakape-kape ka pa kasi
Bagong gising yung iba, ako’y pahiga pa lang sa
unan
Doon ko nakuhang mailagay ang agahan sa hapunan.

[Chorus]
Mata’y mulat hanggang sumikat ang araw
Pangarap ay sumikat balang araw
Ligaya ang dala, liwanag ang taglay
Ilawan ang kadiliman hanggang sa mga mata’y…
Mata’y pungay hanggang sumikat ang araw
Pangarap ko lang sana’y marating ang ibabaw
Ligaya ang dala, liwanag ang taglay
Ilawan ang kadiliman hanggang sa mga mata’y…

Yatpu nanaman, yatpu nanaman, yatpu nanaman,
yatpu
Yatpu nanaman, yatpu nanaman, yatpu nanaman,
yatpu-yat
Yatpu nanaman, yatpu nanaman, yatpu nanaman,
yatpu
Yatpu nanaman, yatpu nanaman, yatpu nanaman,
yatpu-yat…

Videokeman Search