Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (2 votes, average: 2.50 stars)
Loading...

Tumingin Ka Man Sa Iba – Repablikan Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Tumingin Ka Man Sa Iba – Repablikan

Sa pagpatak na mga luha sa pagsulat ng tula ko
ang puso ko ay may sugat at dugo na ang dura ko
nagmula to sa pag-ibig na aking pinapangarap
sa isang katulad mo na palagi kong hinahanap
tumatawag sa inyo ngunit ika’y laging wala
dumadalangin sana ko siya ay mapa sakin nawa
lahat ay aking ginawa para maramdaman mo na
mahal kita kung kailan mo ko sinagot na tandaan mo ba
iniwan mo ko mag-isa nangarap na kasama ka
hindi ako nagtatampo sayo mahal umasa ka
at nasan na pagmamahal mo sakin na walang katulad
larawan mo na lang ang nakikita sa pagmulat
binabasa ko ang sulat mo palagi magtiwala
mahal mo rin ako diba ako’y naniniwala
na di dapat mabahala kahit na wala sa king tabi
sisikat din ang araw matatapos din itong gabi

Chorus
Tumingin ka man sa iba magmahal ka man ng iba
magbubulag-bulagan ako masakit man nito
magmumukhang tanga sinasaktan na naman ako
heto parin ako sa’yo halos baliw parin sa iyo

Sa paglipas ng araw ang mga sulat mo ang siyang lakas
di ko inakala na malapit na palang wakas sa may labas
ako’y tinawag ng aking ina
na sa phone ka daw ang pakiramdam ko ay nag-iba
di malaman kung paano at anu ang sasabihin
sa pagtawag mo ito pala ang aking sasapitin
sa akin merong aaminin yan ang una mong sinabi
dahil sa kaba patuloy sa panginginig ng labi
at ikaw ay nagtapat na sa kin ay di mo na kaya
parang di ito ang nasa sulat mo at din na gaya
ng ika’y nangako sa kin na ako lang at walang iba
ikaw ay nagpaalam sa kin meron ka na bang iba
at pang-limang araw na to masdan mo mga mata ko
na di na maidilat sa balikat ko anu ba tong
pasan-pasan saan na ko mapunta
ngunit sa puso kong ito palaging naron ka
mahal parin kita

Chorus
Tumingin ka man sa iba magmahal ka man ng iba
magbubulag-bulagan ako masakit man nito
magmumukhang tanga sinasaktan na naman ako
heto parin ako sa’yo halos baliw parin sa iyo

Naisip mo ko at damdaming na magbalik ka sa kin
umaasa magbabago pagkatapos mong basahin
ng akala ko’y mababaga-baga ng iyong damdamin
ngunit iyong pinunit ang liham nang galing sa kin
at sabay sinabing di kita kayang mahalin
at kung anu ang dahilan ay wag mo ng alamin
sinta iyong damahin ang pag-ibig ko na wagas
sayo ko lamang kinukuha ang tapang ko at lakas
pero ngayong wala ka na pano ba gagawang mabuhay
kung ikaw ang siyang daan upang mundo’y maging makulay
at sa buhay kung ito na dapat sana ay kasama ka
ang tanging panalangin ko ay ang maging asawa ka
sa awa ba kaya pag-ibig ko’y tinanggap
ng pansamantala naging tapat ba o nagpanggap
mahal parin kita sinta anu man ang maging tugon
ikaw ang nais makasama ko sa habang panahon

Chorus
Tumingin ka man sa iba magmahal ka man ng iba
magbubulag-bulagan ako masakit man nito
magmumukhang tanga sinasaktan na naman ako
heto parin ako sa’yo halos baliw parin sa iyo

Tumingin ka man sa iba magmahal ka man ng iba
magbubulag-bulagan ako masakit man nito
magmumukhang tanga sinasaktan na naman ako
heto parin ako sa’yo halos baliw parin sa iyo