Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (20 votes, average: 4.25 stars)
Loading...

Pilipinas – Repablikan Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Pilipinas – Repablikan

Sa aming bayan lupain ng Pilipinas.
Ilan pa bang pilipino ang tuluyan ng lumikas.
Upang magpaalipin sa mga dayuhan.
Naroon na ba talaga ngayon aming kinabukasan?

Ayoko naman talaga magbigay pa ng komento
sa lahat ng samut-sari nasasagap ko na kwento.
Para san ang monumento ni Rizal at ni Andres?
Hanggang ngayon kapayapaan ang dasal nagtitiis
pa rin ang bayan sa walang kamatayang himagsikan.
Pilipino, sa sariling bayan ang nagsipaglisan.
Upang dun magpaalipin sa lupa ng dayuhan.
Titiisin ang pamilya kahit pa may kalayuan,
para bang may kalokohan ang mga nagaganap.
Matapos silang palayasin, tayo ang naghahanap.
Mga bayaning nagbuwis ng buhay ang sakit isipin.
Pagkat tila ba nakadikit na ang isang alipin
sa imahe ng Pinoy na umaasa sa banyaga?
Nagbalik-tanaw sa lumang tasa na ipinamana pa sakin ng aking lolo
na sundalong beterano ng digmaan laban sa pananakot ng amerikano.

Sa aming bayan lupain ng Pilipinas.
Ilan pa bang pilipino ang tuluyan ng lumikas.
Upang magpaalipin sa mga dayuhan.
Naroon na ba talaga ngayon aming kinabukasan?

Ako ay Pilipino sa isip at sa gawa
sanay na’kong makarinig ng bata na ngumangawa.
Habang ang kanilang magulang abala sa pasugalan
kung kaya’t landas ni Kuya napunta sa kasukalan.
Kahit yata asukalan mapait pa rin ang buhay.
Nagmahal na ang bigay pati isda, karne at gulay.
Anong tunay na rason sa kabi-kabilang krimen?
Walang hustisya. Sapagkat kayang-kaya nilang bilhen.
Kaya nilang baliktaren na ang male magiging tama.
Kapalit ng salape nagmistulang napiping bata.
Lalo pang napipinsala ang pinas sa palaparan
ng papel ng mga tunay na sanay sa pakapalan ng mukha.
Sa katagalan ang bulsa ay nagtabaan.
Nasangkot sa anomalya, hugas-kamay na nagbabaan papalit din ang anak.
Ano pa nga bang aasahan sating bayan hikahos ang kanyang pamilya ang yayaman.

Sa aming bayan lupain ng Pilipinas.
Ilan pa bang pilipino ang tuluyan ng lumikas.
Upang magpaalipin sa mga dayuhan.
Naroon na ba talaga ngayon aming kinabukasan?

Kabi-kabilang protesta laban sa mga pinuno
tila ba nasayang lang pamana ng mga ninuno
Natin nagbuwis ng buhay matamo lang ang paglaya
nung ating mahal na bayan na sinakop ng banyaga
Digmaan sa mindanao may pag asa pa bang humupa
na isa sa dahilan ay agawan lamang ng lupa
Ilang dekada na ang giyera di pa rin ubos ang bala
tila may sa likod na syang gumagawa ng sala
Isang araw may tatlong tala na dilaw pulat bughaw
isang bandila ng isang bayan na kay hirap matanaw
Ang pagbabago sa lipunang maraming naka upo
aawit ng lupang hinirang parating nakayuko
Hahayaan tumakbo sa halalan kahit may kaso pag nanalo
parang tubig sa isang butas na baso
Di mapapakinabangan ang tungkulin naiatang
kung nasa loob ng selda pano maipaglalaban ang bansa

Videokeman Search