Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (14 votes, average: 4.14 stars)
Loading...

Kaya Mo Ba to – Repablikan Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Kaya Mo Ba to – Repablikan

SA PAGBANAT KO NG PULIDO AY TIYAK NA DADAPA YAN
KASI UTAK NILA’Y PARANG WALANG LAMANG TAPAYAN
SA BAYANG MANIOBRA NG TALINOT PAGBIGKAS
MGA PINANGHINAAN NG LOOB WALANG LIGTAS
PAG AKO HINAMON MO ANG LABAN AY PARANG SAMPU-ISA
PARTIDAHAN PA KITA AKO NG MAG UUMPISA!
KUNDI KA BA TANGA LAKAS NAMAN NG YONG LOOB
PAGBALAKAN ANG REPUBLIKA NAMIN MAPATAOB!
EH KYA MO BANG TAGALAN ANG TINIG NG MGA MAKATANG NARIRINIG MO?
NAKITA MO BA UNG MGA PINATAOB KO PARE NANGINGINIG NOH?
NI HNDI KA NGA MAKASABAY KAHIT ANG BEAT PA AY SLOW!
TAPOS GAGAYAHIN MO AKO NG PANO MAG FLOW?
KUNG SABAGAY DISPERADO KA ANUNG MAGAGAWA KO
KUNG WALANG DATING PARA SAU ANG MGA GINAWA KO
EH PRA KA NGANG KINAKAPITAN NG LABIN LIMANG KABA
HAHAMUNIN MO REPABLIKAN PARE TIMANG KA BA??

KAYA MO BANG SUMABAY SA MGA SALITANG BINIBIGAY KO?
AT KAYA MO BANG PUMALAG SA MGA KATAGANG BINIBIGKAS KO?
ISA2BAY KO PANGALAN KO SA MGA BATIKAN “SIBIL”
NAGMULA SA PAMILYANG REPABLIKAN! (2X)

(FLICT-G)

PARA KANG NAGULAT SA UNA KONG PINAKAWALAN
BAKIT ANG MGA GANTI MO AKO AY PINATAWA LANG?
SAPAGKAT ISTILO MO SA ITA AT SA KATUTUBO
PARA KANG BUTONG ITINANIM KO ATSKA TUTUBO,
KULANG BA ANG MGA LETRANG WALANG KAHULUGAN?
BAKA IDAMAY MO PA KO KAPAG NAGKAHULUGAN SA BANGIN,
ANG SABI KO PAHINGA KA NALANG
GUSTO MO BA KONG KALABANIN PAHIRAPAN NALANG!
MARAMI ANG NAGTATANONG KUNG GANO BA KO KALUPIT
SUBUKAN MO NGA MAGTANONG MANDALUYONG TO KALUMPIT
PAGKAT WALA KANG LABAN SAKIN PARE SIMULA PALANG!
DI KA AABOT SAKIN PAGKAT HANGGANG SIMULA KA LANG!
SA PAGBANAT KO NG PANTIG PARANG MATIBAY NA BATO
ANG TANONG KO LNG SAU MATIBAY NA BA TO?
TAGAL KO NG NAG-AABANG SAUNG MGA BINABATO…
MULI KO TONG ITATANONG SAU KAYA MO BA TO?

KAYA MO BANG SUMABAY SA MGA SALITANG BINIBIGAY KO?
AT KAYA MO BANG PUMALAG SA MGA KATAGANG BINIBIGKAS KO?
ISASABAY KO PANGALAN KO SA MGA BATIKAN “FLICT-G”
NAGMULA SA PAMILYANG REPABLIKAN! (2X)

(SIOBAL-D)

NUNG MARINIG NA BUMITAW PINAG-USAPAN NG LAHAT,
PANGALAN KO NA PARA KANG BINUBUTASAN NG BALAT,
SAPAGKAT ANG MGA TULANG BINIBITAWAN KO AY PARANG
KAPATAGANG MAY TALIM NA MAY LIMANG DRAGON NA HARANG,
KUMUPAT AKO NG YONG MGA KANTANG MASAGWA
NA TATAPAKAN KO PARANG MGA BAKLANG MALASWA,
ANG MGA BATA MO NA TINUTURING MONG MGA PANG SABONG
AY MGA MANOK NA GAGAMITIN KONG MGA PANG GATONG!
PAGKAT ANG KASALANAN MO AY KASALANAN NG LAHAT,
NG AKO ANG NAKALABAN NAGKALASAN NG LAHAT,
NG BINITAWAN MO AKO BINITAWAN DIN KITA
WALANG KAPARES ANG LUPIT KO SINABIHAN NA KITA
NA PAGSAMAHIN MAN LAHAT MGA BATA MO’T IKAW
SIGE LABANAN NYO AKO PALUPITAN NG BITAW,
IKAW NGA AT LAHAT SILA MAGKASAMANG TANGGAL
NA PARA BANG NAKATIKIM NG MAG ASAWANG SAMPAL!

KAYA MO SUMABAY SA MGA SALITANG BINIBIGAY KO?
AT KAYA MO BANG PUMALAG SA MGA KATAGANG BINIBIGAKAS KO?
ISASABAY KO PANGALAN KO SA MGA BATIKAN “SIOBAL-D”
NAGMULA SA GRUPO NG REPABLIKAN (2X)

(LIRIKO)

PINAPALAKPAKAN AT SINABAYAN MAY KASAMA PANG HIYAW
NG MGA TAGA HANGA NAMING WALANG SAWANG SUMIGAW!
HABANG IKAW NANANAHIMIK SA TABI AT NANGLOLOKO
AT SINASABI MO SA KANILA NA TINURUAN MO KO!
NAKAKATAWA PAGKAT SABI NILA IKAW ANG AMING MANAGER
IPAGKALAT MO PA AT ISULAT MO SA PADER!
SINO ANG MANINIWALA SAUNG MGA HAKA-HAKA?
EH SAWA NA ANG TAO SA SINUNGALING MONG BUNGANGA!!
ANG MGA MAKATANG HINASA NA MATALAS PA DAW SA TARI
ITATAPAT DAW NILA SAKIN O SIGE BAKA SAKALI
ANG MATALO MO KO SA TULA WALA PANG KATIYAKAN
PAPATULAN LNG KITA BASTA PANGAKO WALANG IYAKAN!
ANG MAPAURONG MO KO SA LABANAN AY PARANG SUNTOK SA BUWAN
AT IIWASAN LANG KITA KUNG DI KA NALIGO NG ISANG BUWAN!
KAYA TSAKA KA NALANG BUMANAT PAG IKSI NG BUHAY MO
PARA HNDI KITA SAKYAN SAWA KA NABA SA BUHAY MO?

KAYA MO BANG SUMABAY SA MGA SALITANG BINIBIGAY KO?
AT KAYA MO BANG PUMALAG SA MGA KATAGANG BINIBIGKAS KO?
ISASABAY KO PANGALAN KO SA MGA BATIKAN “LIRIKO”
NAGMULA SA GRUPO NG REPABLIKAN! (2X)

Videokeman Search