Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (8 votes, average: 4.75 stars)
Loading...

Ikaw Sana – Repablikan Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Ikaw Sana – Repablikan

Makinig ka saken at bigyan mo nang panahon
Ang aking awit na sana ang anghel ay wag tumalon
Butas man ang pantalon kahit na ganito lang
Sa oras na kailangan mo ako’y narito lang
Minamahal kita..at yan ang tanging alam
Sana sa habang panahon ay maging akin ka lang
Di kita pababayaan at hindi ko hahayaan
Na dumaloy ang luha sayong mga mata kailan may tunay
Na kay sarap mabuhay sa mundong ibabaw
Lalo kung sa iyo mahal walang kaagaw
Ikaw at ikaw lang ang tanging kayamanan
Ipaglalaban ka ang buhay ko’y nakataya man
Pagkat ikaw ang syang biyaya na galing sa langit
Ikaw lang ang laman ng puso ko at aking awit
At kahit na tutol man satin ang lahat
Ikaw pa rin ang iibigin ko pangako habang buhay magiging tapat

Chorus:
Ikaw nalamang ang syang mahal ko
Ikaw na sanang makasama sa habang panahon
Sana’y dingin ..mo ang awitin ko
Ikaw ang buhay pag-ibig ko

Ano man ang mangyari lagi kang na saking tabi
Hindi mo ko iniiwanan araw man o gabi
Kaya hayaan mo bhie..ikay aking paglingkuran
Ang buong katapangan, katapatan kahit kailan pa man
Di kita pababayaan at di mag-iiba
pagmamahal ko sayo kailan may di magigiba
Pag di kita Makita mas maganda pang matulog
Pero pag nandyan ka di man kumain ako’y busog
Sana ay ikaw na nga, para bumuti na nga
Ang kalagayan ko’y umayos na mabuti pa nga
Wala nga akong yaman na sayo ay maiharap
Pero ang makasama ka habang buhay ang sarap
At kung nangagamba baka pag-ibig koy lumipas
PCSO ang puso ko kailan may di kukupas
Titigil na pangamba sana sa akin ka na
Sumama dahil ikaw ang pangarap ko noon pa

Mag mula nang makilala ka ang buhay ko ay nag-iba
Nalaman ko kung ano ba talaga ang syang halaga
Nang buhay sa mundo at kung bakit kailangan mag mahal
Dahil sa iyo napalapit ako sa may kapal
Pawatasan..!..hinihiling ko ang isang katulad mo
Na makasama ko at magmahal sa isang katulad ko
Sinulat ko ang awitin na to para i-alay
Sa isang babae na pangarap kong maging may-bahay
Sana’y ikaw na nga ang makasama ko sa twina
naghihintay sa akin pag ako ay pauwi na
kasama ko sa pag buo ko nang mga pangarap
at sa pag tulog sa gabi ikaw ang syang kayakap
at pag iyan ay natupad ako na ang syang
nabubuhay na pinakamasayang nilalang
pagkat..! nakamit ko ang pinakamahalagang yaman
walang makakapares at hindi na magbabago magpakailan man
(repeat chorus)

sa wakas ang kahilingan ko ay natupad na
salamat sa panginoon dahil sa akin ka na
sana’y di na mag-iba pagsasamahang kay saya
liligaya ka sa akin pangako ko yan sinta
at kahit…! Marami man sa atin ang humadlang
ang puso ko at puso mo ay tanging iisa lang
ang syang nararamdaman kaya kusang pinagtagpo
nang tadhana sana’y tuluyang umikot ang mundo
at di na..! huminto pa’t hindi na maghiwalay
palagi kang na sa tabi hawak ko ang ung kamay
hindi ka malulumbay palagi kang ngingiti
ako ang syang papawi sa lahat nang ung pighati
at hindi ko hahayaan na ikay mawala
nagiisa ka lang sa akin at wala nang iba
at sana bago matapos ang awitin na toh
lagi mong tatandaan na ikaw lang ang mahal ko

ikaw lang talaga ang aking mamahalin
at sa puso ko ay di nila kayang tangalin
pagmamahal ko na sayo ko lang ipinadama
sana sa habang buhay ay tayo na ngang dalawa
ang magkasama sa ano mang hirap na dumaan
at di ko hahayaan ang mata mo ay luhaan
ipaglalaban kita… at lagi mong tatandaan
na ang pag-ibig ko ay sayo ko lang inilaan
at kahit kailan ay hindi na titingin sa iba
wala na rin paki-alam sa sasabihin nila
at sasabihin ko na ikay pagsisilbihan
at habang buhay ay ikaw lamang ang paglilingkuran
sana ay mapakingan nilalaman nang damdamin
na sa awit dinaan at kahit na sa daan
ay nasa isip kita
maging sa pagtulog ko nga ay panaginip kita
sana sa habang panahon ay makasama kita

Videokeman Search