Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (42 votes, average: 4.83 stars)
Loading ... Loading ...



Lyrics of High School Life – Repablikan

Hig school ako
Ay puno ng alaala
Na hindi malilimutan
Lalo na ng makilala
Ang babaeng
Nagbigay sakin ng inspirasyon
Na gumawa ng homework
At makinig sa leksiyon
Kaya nag-aral ng mabuti
Para saking future life
At lalong lalo na
Para saking future wife
At kapag break time
Lagi tayong magkasabay
Kinikilig ako
Pag hawak ko ang iyong kamay
Habang tayo ay naglalakad
Pag tayo’y pa uwi
Lalo akong tinatamaan
Pag ika’y ngumingiti
Ang lahat ng pighati
Ikaw ang nagtatanggal
Dahil sa iyo
Kaya pasado sa periodical
Buhay ko ay nag-iba
Binigyan mo ng sigla
Tumaas na rin ang grades ko
Sa matemateka
Ikaw lang ang dahilan
Para to sayo mahal
Inaalay ko sayo
Ang natanggap kong medal

High school life
From my high school life
Akin pang naalaala
High school days
From my high school days
Na ikaw lang kasama
High school life
From my high school life
Akin pang naalaala
High school days
From my high shool days
Na ikaw lang ang kasama

Buhay ko ay nag-iba
Buhay ko ay gumanda
At maraming bumilib
At maraming nagtaka
Ganito pala ang feeling
Pag ikaw ay nagmahal
Araw-araw at gabi gabi akong nagdarasal
Na san’y ikaw na nga
Ang inilaan sa akin
Makasama ko sa buhay
Upang aking mahalin
Nang ako ay iyong sagutin
Muntikan na kong ma-drop
Pero dahil sa iyo
Naabot ko pa ang ulap
Ngunit ang kapalit
Bakit ka biglang nagbago
Lagi kang tulala
At parang lagi kang kabado
Hindi ka pumapasok
San ka nagpupunta
Bumababa na ang mga grado mo
Ano ba ang problema
Nang kausapin ka
Bigla kang napaiyak
Mabigat ang iyong daladala
Yan ang aking natiyak
Nang ikaw ay tinanong
Hindi mo ko sinagot
Tumakbo ka paalis
Na para bang ika’y takot
Bakit?

Tandang-tanda ko pa
Lunes ng umaga nun
Bakit ang daming pulis
Ano bang meron ngayon
Narinig ko ang usapan
Na mayroon daw trahedya
4th year student
Ang nakita sa kubeta
At nang inilabas
Labis kong ikinagulat
Pagkat ikaw ang biktimang
Kanilang buhat-buhat
Ikaw ay nagtapat
Sa sulat mo sa dingding
Ikaw ay ginagahasa
Ng iyong amain
Ang mga pangarap ko
Ay para bang nawala
Gusto kong sumigaw
Gusto kong magwala
Hindi makapniwala
Hindi to totoo
Hindi na ba kita makakasama sa kolehiyo
Ba’t ngayon mo lang sinabi
Di mo pinaalam
Puso ko’y nagdurugo
Puso ko’y nagdaramdam
Matatapos na ako ngayon
Sa kolehiyo
Na dala ang alaal
Nung high school ako

High school life
From my high school life
Akin pang naalaala
Lalo nung graduation na
Napaluha akong talaga
High school life
From my high school life
Akin pang naalaala
Lalo nung graduation na
Napaluha akong talaga