Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (23 votes, average: 4.70 stars)
Loading ... Loading ...



Lyrics of Bintana – Repablikan

Sa pag pikit ko ng mga mata handa ng managinip
kasabay sa paglipad ang aking diwa
ang pag ihip ng hangin
patungo sa lugar na kung saan
maari kang hawakan at yakapin
kaw ang reyna ako ang hari na sa pagdilat koy
nawawala
Pilitin man pigilin to wala akong nagagawa
upang ang sang katulad mo na
sa bintana sinisilip
Makasama makausap ng hindi
na pinipilit
Dahil sa alam ko na mundo
natin magkaiba
Sinusundo kana ng boyfriend
mong ang kotse ay lima
At nagiba ang mundo ko mula
nang di sinasadyang
makabanggaan at nahulog
kwintas mong pinasadya pa at kabibigay pa lamang ng
boyfriend mong mayaman
Ngunit sayong mata ay may lungkot na di malaman
na pilit tinatago ng iyong
mga ngiti sana hindi lang
sa bintana makikita kang muli

CHORUS:
Hirap at sakit ay di alintana
masilayan ka lang dun sa
bintana
Lahat ay gagawin upang
iyong malaman
Ang pagibig ko`y tunay
walang alinlangan

Tila yata kapalaran na ang
sakin tumutulong
Nang hindi sinasadya na muli
tayong makasalubong
At labis kong kinagulat ng ako
ay kausapin
Tila ang lahat ng tao`y
nakatingin sa akin
Tayo`ynaging magkaibigan
sumbungan at sandalan
ngunit lahat pala ng mga
bagay may hangganan
nang ikaw ay mag paalam na
dun na maninirahan
kung sana pagbalik mo ay
malabo nang asahan
Gusto man kitang pigilan wala
kong nagawa
Tila ang lahat ng sakin ay
biglaang nawala
at mula noon sayo’ ay
di na nagkaroon ng balita
sana`y muli kang makita kahit
man lang sa bintana

Mula nang nakilala ka
Hindi kana naalis sa aking isipan
Sanay malaman mo ang tunay na
nadarama ng puso ko para sayo.

Repeat Chorus

Alam mo bang ikaw lang aking mahal
lahat ay gagawin upang iyong
malaman
Nang ikaw ay dumating sa buhay
kong ito
Muling umikot ang aking mundo
Sa puso kong ito ikaw ang kailangan
Ang pagibig mo dahil minamahal kita…..

Repeat Chorus