Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (15 votes, average: 3.87 stars)
Loading...

Giliw Ko – Renz Verano Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Giliw Ko – Renz Verano

Napapansin mo ba ang `di ko pagkibo
Maging ang dating pagtingin
Unti-unting nalalayo
Hirap na rin ang puso kong ito
Na dalhin ang pagtingin
Na minsa’y nasilayan ko sa `yo

Napapansin mo ba ang dating kay sayang
Suyuan nanlalamig nawawalan na ng sigla
Sana’y gawan natin ng paraan
Ating limutin na ang nakalipas na tampuhan

Giliw ko bakit mo natitiis
Nagawang palakihin ang konting pagkakamali
Akala mo `di ako nasasaktan
`Yan ba’y tanda ng minsan
Na sinabi mong ako’y iyong mahal

Napapansin mo ba lungkot sa `king mata
Araw-gabing nagtatanong paano kung wala ka na
Hindi ko na alam ang gagawin
O lahat na lang ng masdan ay
Ikaw ang nasa paningin oh

Giliw ko bakit mo natitiis
Nagawang palakihin ang konting pagkakamali
Akala mo `di ako nasasaktan
`Yan ba’y tanda ng minsan
Na sinabi mong ako’y iyong mahal

Sana’y bigyan mo naman ng halaga
Pusong ito ay `wag na sanang saktan pa

Giliw ko bakit mo natitiis
Nagawang palakihin ang konting pagkakamali
Akala mo `di ako nasasaktan
`Yan ba’y tanda ng minsan
Na sinabi mong ako’y iyong mahal

Giliw ko bakit mo natitiis
Nagawang palakihin ang konting pagkakamali
Akala mo `di ako nasasaktan
`Yan ba’y tanda ng minsan
Na sinabi mong ako’y iyong mahal