Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (9 votes, average: 4.67 stars)
Loading...

Araw Gabi Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Araw Gabi

Araw Gabi – Regine Velasquez

Di biro ang sumulat ng awitin para sa’yo
Para akong isang sirang ulo, hilo at lito
Sa akin pang minanang piyano
Tiklado’y pilit nilaro
Baka sakaling merong tono
Bigla na lang umusbong

Tungkol saan naman kayang awiting para sa’yo
‘Di biro ang gawing sukat ang titik sa tono
Sampu man aking diksyonaryo
Kung man tugma’y di wasto
Basta’t isipin ‘di magbabago
Damdamin ko sa’yo

Araw-gabi
Nasa isip ka, napapanagip ka
Kahit san man magpunta
Araw-gabi
Nalalasing sa tuwa
Kapag kapiling ka
Araw-gabi tayong dalawa

Biruin mong nasabi ko
Ang nais kong ipahatid
Dapat mo lamang mabatid
Laman nitong dibdib
Tila sampung tangang awitin
Matapos kong likhain
Ito ang tunay na damdamin tanggapin at dinggin

Araw-gabi tayong dalawa