Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (20 votes, average: 4.25 stars)
Loading...

Para Sa’tin Featuring Mara Castro – Rapido Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Para Sa’tin Featuring Mara Castro – Rapido

sa harap ng saradong pintuan..
nakaupo, malayo ang tanaw
handa na ang mga tanong sayong pagdating..
napapadalas na ang pag-uwi mo ng gabi.

kinikimkim ko nang balot na balot na..
kumain ka na ba? mukhang pagod na pagod ka..
sabi ko kaya ko.. matitiis ko to.
eto na ba ang sinumpaang pagmamahal ko..

CHORUS:
Nasan na ba ang pangako na sinabi mo..
may katuparan bang lahat ng nais ko..
maibabalik pa bang pananabik na dapat sana’y sakin..
nagkulang ba ako? o sadyang meron ka na talagang iba.

RAPIDO VERSE 1

akda ng pagsasama natin, binalot ko sa ginto..
laman ay pagkukunwari, bawat pahina ng libro
ngunit bakit pagkalito’y, sa mukha ko nakabakas
napahinto sa pagsulat kahit ayoko ng wakas

mga katwiran mong mali, tinatanggap kong tama..
huwag lang mangyare nakatalikod ka sakin sa kama..
kung ako ay lalayo, di mo na kinakatakutan
sinusumbat mo sakin bawat konting pagkukulang

iiwanan ang banta kapag ikaw ang gumawa
dobleng sakit ipaparanas, ganon ba ako kasama?
kusang tumaob ang pag asa ko, wala ng lunas
wag kang magdabog lilipas din ang pagdududa bukas.

muling kakatok, alam ko na darating ang oras
utang na loob, huwag mo na akong hanapan ng butas.
hindi pwedeng balewalain, ayokong kalimutan.
kausapin mo ako, huwag mo akong talikuran.

hindi mo maitatago sakin ang mga bagay na ito..
kung tama ang hinala, buti pa’y mamatay ako..
nakaluhod, ako’y lugmok pero bakit ikaw pa rin??
MAHAL KITA, sabay suntok ng malakas sa salamin.

oh masaya kana? kuntento ka na ba sayong ganti?
oh baka meron pa.. ang sarap damahin ng hapdi.
Kailangan kita, pareho lang tayong nasasaktan..
pero sino satin ang hihingi ng kapatawaran?

Alam kong mahirap tanggapin ang katotohanan..
pero mahirap mabuhay sa pagkukunware..
panlalamig man ang iyong nadarama..
mananatili akong umaasa pa..

CHORUS:
Nasan na ba ang pangako na sinabi mo..
may katuparan bang lahat ng nais ko..
maibabalik pa bang pananabik na dapat sana’y sakin..
nagkulang ba ako? o sadyang meron ka na talagang iba.

hindi matutuwid ng mali, ang isa pang pagkakamali.
may tamang panahon upang makabangon tayong muli..
inaamin ko sayo, sa salarin ako’y natisod.
pero ni minsan sa buhay ko hindi kita nalimot.

tahan na mahal, huwag mo ng ibaling sa iba..
pundasyon kong binuo hindi hahayaang magiba..
sige na, ako nang umaako ng lahat.
magsimula tayong muli para sating anak.

CHORUS:
Nasan na ba ang pangako na sinabi mo..
may katuparan bang lahat ng nais ko..
maibabalik pa bang pananabik na dapat sana’y sakin..
nagkulang ba ako? o sadyang meron ka na talagang iba.

Submitted by: Sheila Mhay Abueg

Videokeman Search