Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (3 votes, average: 4.67 stars)
Loading...

Syotang Pa-Class Feat Raimund Marasigan – Radioactive Sago Project Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Syotang Pa-Class Feat Raimund Marasigan – Radioactive Sago Project

Syotang Pa-class feat Raimund Marasigan – Radioactive Sago Project

I
Di ko pwedeng, isakay sa jeepney
Sobrang usok at sikip
Pag nasa sine, di mayakap
Laging merong sabit
Ganyan ang syota ko
Sobrang class ang kanyang trip

II
Alam mo ba
Pag kakwento niya ang nanay niya
Siya’y nag-i-Spanish
Konyong-konyo ang tono
Pag kausap niya ay aso
S’ya naman ay nag–Ingles
Ako’y naiinis na
Sa aking syotang burgis
(Ang syota kong burgis minsan nang-iinis)

REFRAIN
Pero kahit ganyan siya, ako’y nagtsatsaga
Pagkat mga pare ko, minamahal ko siya
Sa aking barkada ako na’ng pinaka-siga
Pero bumabait ako pag kasama ko sya
(INSTRUMENTAL)

III
Sa chibugan, siya talaga’y pihikan
Di lang burger machine
Ang sundo niya sa eskwela
Laging naka-chedeng
Ganyan ang syota ko
Class na class ang kanyang trip
(REPEAT REFRAIN)

(Kahit ganyan siya, ako’y nagtsatsaga
Pagkat mga pare ko, minamahal ko siya
Sa aking barkada ako na’ng pinaka-siga
Ngunit bumabait ako pag kasama ko sya)

IV
Paminsan-minsan sa kagipitan
Ako’y kanyang nililibre
Kapag humirit, susmaryosep
Ako’y natuturete

Ganyan ang syota ko
Hindi maawat ang pagka-class
Ganyan ang syota ko
Hindi maawat ang pagka-class

Kaya ba-bye darling,
dyan ka nalang

Videokeman Search