Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (3 votes, average: 3.67 stars)
Loading...

Sinayang Mo Feat Myca Sanchez – Pio Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Sinayang Mo Feat Myca Sanchez – Pio

Naalala ko mga panahong kasama ka
ang iyong mga ngiti ang sa ‘ki’y nagpapaligaya
ikaw ang hinahanap pag dumilat ang mata
tila hindi kumpleto ang araw ko kapag wala ka
tayo ay naglalakad, magkahawak ang kamay
nagmemeryenda sa tindahan at magka-akbay
pangako natin ay wala na tayong iwanan
pagmamahalan di magwawakas kailan pa man
ang sarap nun pakinggan akala ko totoo
halos ang buong buhay ay binigay ko sayo
noon ang sabi mo sa akin ay “mahal kita”
sabay halik sa king mata, ngayon nasaan ka na?

Myca Sanchez
Minahal kita ngunit sinayang mo
akala ko’y totoo
lahat ng binitawan mong mga panagako
nasaan ka na? sumama sa iba
puso ko’y iniwan mong nag-iisa
haahh… haahhh

hanggang ngayon hindi ko matanggap ang pangyayari
ng nakita ko sya na hinalikan ang iyong labi
kinausap kita, kaano-ano mo ba sya?
ang sinagot mo sa ‘kin ay “mahal pasensya na”
ang tagal nating nagsama, bakit di agad sinabi
nalaman ko na lang may iba ka ng tinatangi
mas mahal mo pala sya paano naman ako
nang sinabi mong “paalam na” , buhay ko’y gumuho
wag mo kong tanungin, kasi ayos lang ako
pipilitin kong itago ang kirot at ang pag-durugo
inibig kita pero mas pinili mo sya
kung nasan ka man ngayon, sana maging masaya ka

Myca Sanchez
Ginawa ko ng lahat para sayo
pagkat akala ko’y tunay ang pag-ibig mo
tangging hangad ko lang ay makapiling ka
bakit ba iniwan mong nag-iisa
haahh… haahhh

ng ikaw ay nawala parang di ko na kayang mabuhay
sumama ka sa iba, para mo na rin akong pinatay
gusto na kitang kalimutan, pero ang hirap ng ganon
masasakit na nakaraan, sa limot di ko mabaon
bakit mo ko iniwanan? yan ang laging sinisigaw
ano bang nagawang kasalanan at bigla kang bumitaw
pag nakikita kita na kasama mo sya
lungkot at sakit ang aking nadarama
di ko malabanan at walang magawa
ako ang nauna ngunit nasa kanya ka
pinaikot mo ko tapos pinagtaksilan
pipilitin na lang limutin at wag tandaan
ang huling salita dahil di ka naging tapat
minahal kita ngunit sinayang mo lang ang lahat

Myca Sanchez
Minahal kita ngunit sinayang mo
akala ko’y totoo
lahat ng binitawan mong mga panagako
nasaan ka na? sumama sa iba
puso ko’y iniwan mong nag-iisa
haahh… haahhh

akala ko kaya kong tiisin ang mga sakit
ngunit ikaw ang nakikita ko kahit na nakapikit
pupunta ko sa inyo, susubukan kitang suyuin
kakausapin ka kung pwede pa ba tong ayusin
gusto kitang makapiling at ayaw mong pumayag
sa gagawin kong to, sana ako ay mapatawad
kung di rin lang kita makakasama sa mundo
magbabakasakaling sa langit ay pwede tayo