Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (41 votes, average: 4.56 stars)
Loading...

Akala – Parokya Ni Edgar Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Akala – Parokya Ni Edgar

(Chito)
Akala ko iced tea, yun pala beer,
Akala reverse yun pala second gear,
Akala ko kasya yun pala hindi,
Akala ko tama yun pala mali…

(Vinci)
Akala ko hiphop yun pala metal
Akala ko batis yun pala kanal
Akala ko toothpaste yun pala glue
Akala ko verde yun pala blue

(Gab)
Akala ko tsinelas yun pala sapatos,
Akala ko umabot yun pala kapos,
Akala ko bukas yun pala kahapon
Akala ko mamaya yun pala ngayon…

(Chito)
Akala ko alam ko na ang lahat
Ng dapat kong malaman ngunit
Mali na naman, pero ok lang yan…

Wag kang matakot na baka magkamali
Walang mapapala kung di ka magbakasakali
Dahil lumilipas ang oras, baka ka maiwanan
Kung hindi mo susubukan…

(Din2)
Akala ko chicken yun pala asado
Akala ko bukas pero yun pala sarado
Akala ko mansanas yun pala banana
Akala ko meron pa, yun pala wala na

(Darius)
Akala ko foreign yun pala pinoy
Akala ko blackjack yun pala pusoy
Akala ko talo yun pala panalo
Akala ko si chito, yun pala ako

(Chito)
Akala ko dati walang mangyayari
Akala din nila ngayon wala silang masabi
Akala ng lahat mapapagod din ako
Mabuti nalang matigas ang aking ulo

Akala ko walang mapupuntahan kahit na paghirapan ngunit,
Mali nanaman, kung hindi mo sinubukan sana’y hindi ko na nalaman
Eh di nasayang lang

Wag kang matakot na baka magkamali
Walang mapapala kung di ka magbakasakali
Dahil lumilipas ang oras
Baka ka maiwanan kung hindi mo susubukan

Wag kang matakot na baka magkamali
Walang mapapala kung di ka magbakasakali
Dahil lumilipas ang oras
Baka ka maiwanan kung hindi mo susubukan

Videokeman Search