Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (1 votes, average: 4.00 stars)
Loading...

Ating Purihin Ang Diyos – Papuri Singers Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Ating Purihin Ang Diyos – Papuri Singers

Huni ng ibon at daloy ng alon
nagpapaalala sa atin
Ihip ng hangin sa ating damdamin
ay may nais ipahatid

Ang kalawakan sa katahimikan
ay may ibig ipabatid
lupa at langit, sabay sa pag-awit
ng luwalhati.

Ating purihin, purihin, purihin ang Diyos
O, purihin, purihin, purihin ang Diyos
ating puso at isip sa salmo at awit
purihin, purihin ang Diyos.

Sikat ng araw tila pumupukaw
sa atin upang manalangin
Upang sa diwa at katotohanan
ang Diyos ay ating sambahin.

Upang ang ating sarili’y limutin
at si Hesus, dakilain.
Lalo na’t kung tayo ay magkatipon
Siya’y purihin.

Ating purihin, purihin, purihin ang Diyos
O, purihin, purihin, purihin ang Diyos
ating puso at isip sa salmo at awit
purihin, purihin ang Diyos.

Ating purihin, purihin, purihin ang Diyos
O, purihin, purihin, purihin ang Diyos
ating puso at isip sa salmo at awit
purihin, purihin ang Diyos.