Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (15 votes, average: 4.27 stars)
Loading...

Hugot – O.C. DAWGS Ft. Boss Locco Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Hugot – O.C. DAWGS Ft. Boss Locco

talaga naman na masaya na’ko
magmula nang makalaya na’ko sa’yo
di ko na kinakailangan ang katulad mo
ang tulad mo
paalam na, ‘tigil na natin ‘to.

nagkakamali ka kung inaakala mong hindi ko makakayanang mawala ka sa ‘kin
kung pwede ko lang ibalik ang mga kaganapan di na ko makakapayag na ang puso ko’y wasakin
pero di na bale para sa ‘kin,
para sa ‘kin di na para-para balikan sapagkat ang tulang babae
sa ‘king puso at isipan napakadali naman na palitan (Boss Loco!)
ang pangalan ng lalaking di mo man lang nabigyan ng pagpapahalaga
kahit masakit tila napakapait simula ng ipadama mo sa ‘kin na walang mapapala
A-la-la-la-la-lahanin mo na di ako kundi ikaw ang tanging lumayo
at tanging ikaw din ang bumitaw sa mga sinabi mo sa’kin
panghawakan ko na lamang mga pangakong tayo lamang dalawa
di ko inasahang hahantong sa ganito
di ba napakapanatag at napakapatag matagal na nagpakatatag
ano bang bumabagabag sa isipan mo
naisipan mo na pag-ibig mo
napakadali namang ibaling sa iba-lewala naman sa ‘kin
nagsasawa na akong mapahiya makinig ka

Chorus:
wala ng tamang nangyari sa’tin,
pagod na rin akong ika’y aking unawain
siguro nga tama na ang aking pasya
na limutin ang kahapon, naiwang mag-isa
dahil di mo naman sinabi sa’kin
wala na palang pag-ibig mo sa akin
kaya pinilit kong limutin ang lahat
kasi alam kong di mo kaya

sana’y iyo lang lahat upang ang sakit ay pwede kong madama
ganon ba talaga? parang walang halaga?
kaya pala naiwan akong mag-isa
laging balisa, sino ba ang laging tama
at sagad sa kamalian
kaya nagdulot ng sakit sa dibdib
sumatutal sa labis ko na katangahan
naging malamang ka
kaya di mo naisip na masasaktan ako sayo ng sagad,
kung alam ko lang lahat ng ‘to ay isang laro,
sana umpisa pa lang tinapos o agad
mapalad ka at meron kang ako na labis sayo’y
nagmamaldang umunawa, sa lahat ng bagay ako ang makiki pake
mali ka ma’y pipilitin kong ikaw ay itama
ngunit tila dahan-dahan nagsasawa na
ang puso ko sa madalas nating di pagkaunawaan
kung sakali na isuko na kita
marahil alam mong pagod na akong muli pagkatiwalaan
ang tulad mo sa buhay ko
alam mo naman ika’y malaking parte
kasangga, kaagapay, tagapayo, tanga-tanga, taga-kunsinti
bakit ba kasi kailangan nating matutunang magmahal kung masasaktan din naman tayo
ang mga tenga nakakandado na sa mga kaibigan nais lang naman na magbigay ng payo
napakalabo maitago ang mga bagay na kailanman ay di ko sinukuan
kung nagkamali ako, piliin ka’y
iyon ang pinakamalaki kong nagawang kasalanan

Chorus:
wala ng tamang nangyari sa’tin,
pagod na rin akong ika’y aking unawain
siguro nga tama na ang aking pasya
na limutin ang kahapon, naiwang mag-isa
dahil di mo naman sinabi sa’kin
wala na palang pag-ibig mo sa akin
kaya pinilit kong limutin ang lahat
kasi alam kong di mo kaya

hindi ko na kayang itago ang aking nararamdaman
masakit para sa’king maiwang mag-isa
di naman ako nagkulang sa pagpapahalaga
naaalala ko nang unang beses,
pinaasa mo lang ako ng labis
at nais ko sanang iyong malaman
na ikaw ang syang tunay sa ‘tin na nawala
may tanong at pag-iintindi at pag-uunawa ko
sawa na ‘ko, pagod na ‘ko, maraming salamat
sa loob ng ilang taon na ako mag-isa
sa relasyon natin ang bumubuhay
ni minsan di ko naramdaman ang halaga ko sayo
sa luha ko wala kang pake,
naging una ka sa prayoridad ko
ngunit ang lahat ay iyong sinantabi
oo kasi, di ka manlalamig sa akin
kung walang nagpapainit sa iyong gabi
laging hindi dahilan ng madalas sa labas
nagmamadali sa paglalandi
di bale na magtalo tayo
sa kadahilanan nang simpleng pabor
na hindi mo kayang masunod
opinyon natin sa bawat-isa
argumento natin ng magkabukod

Chorus:
wala ng tamang nangyari sa’tin,
pagod na rin akong ika’y aking unawain
siguro nga tama na ang aking pasya
na limutin ang kahapon, naiwang mag-isa
dahil di mo naman sinabi sa’kin
wala na palang pag-ibig mo sa akin
kaya pinilit kong limutin ang lahat
kasi alam kong di mo kaya

inakala kong walang hangganan ngunit
hindi pala mali pala ang aking natamo
sana ay hindi mo na lang pinadama
sa ‘kin sumaya kung iiwanan mo lang din naman ako
alam mo bang hindi madali sa’kin maiwanan mag-isa
lalo na sa panahon na kinakailangan pa kita
wala na ba kong halaga para putulin ng bigla?
hindi na ba mababalik kng sa tayo nagsimula?

pano ko ba haharapin mag-isa
kung ang kinakatakot ko’y bigla ng dumating
nang hindi ko inasahan
na mawawala ng biglaan ka sa aking paningin
oo, madaling sabihin kaya ko pa
pero ang aking kalooban nasasaktan na
kapag naalala ko ang mga panahong kasama ka
hindi maisantabi na muna ang aking saya

asan ang mga pangako natin?
bakit nag-ibang dako?
kung alam ko lang na ganito kalabo
e di sana naghanda na ko
at ng di ko na naantala ang dahilan mo para magbago
at ng di ko na nabanaag ang paraan mo para biglang mag-laho
siguro nga tama na ang desisyon mo kung wala na talaga
anong magagawa kundi bitawan ang lahat at palayain ka
kahit na labag sa kalooban ko basta’t makita lang kitang masaya
habang hawak-hawak ang pangako mo ng nag-iisa

Chorus: 2x
wala ng tamang nangyari sa’tin,
pagod na rin akong ika’y aking unawain
siguro nga tama na ang aking pasya
na limutin ang kahapon, naiwang mag-isa
dahil di mo naman sinabi sa’kin
wala na palang pag-ibig mo sa akin
kaya pinilit kong limutin ang lahat
kasi alam kong di mo kaya