Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (1 votes, average: 5.00 stars)
Loading...

Pikit – Nyoy Volante Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Pikit – Nyoy Volante

Huwag kang matakot
Sa ‘ting tampuhan
Sadyang puso’y minsan
Di magkaintindihan

Napapagod din
Ang damdamin
Ngunit bukas paggising
Ako’y narito pa rin

Tulog na nang mahimbing
Wag guluhin ang yong isip
Tulog na ako’y hindi mawawala sa iyong tabi
Tulog na, tulog nang mahimbing

Walang problema
Walang sakit
At walang sapat na dahilan
Upang di ka na mahalin Tulog na nang mahimbing
Wag guluhin ang yong isip
Tulog na ako’y hindi mawawala sa iyong tabi
Tulog na, tulog nang mahimbing

Sandali na lang may bago nang umaga
Na bubura ng sakit na nadama

Huwag mong hayaan
Ang yong isipan
Kalimutan ang puso kong
Sa ‘yo lubos na nagmamahal

Tulog na nang mahimbing
Wag guluhin ang yong isip
Tulog na ako’y hindi mawawala sa iyong tabi
Tulog na, tulog na, tulog na, tulog na, mahal ko, pikit na