Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (No Ratings Yet)
Loading...

Mahiwagang Pag-Ibig – Northside Assassin Feat. Ashley Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Mahiwagang Pag-Ibig – Northside Assassin Feat. Ashley

Hanggang ngayo’y umaasa pa rin ang puso
na magbabalik, at madarama pa rin ang ‘yong halik…

Gusto kita na makuha sa lubusang kalungkutan
Buhat ng ako’y lisanin at kahit palawakin ang isipan
at pusong ‘to na umaasa na palaging maibabalik pa ang lahat
dating pagmamahal na nangibang puso
na nagbabaka-sakaling bumaliktad ang pag-ikot ng mundo mo.
Maalala mo ang mga saya’t tamis na pinagdaanan natin
na hanggang ngayon ay nag-aabang na muling mapasakin ka.
Dahil kulang ang araw at gabi kapag wala ka sa aking tabi
mapait na ngiti at hikbi ang madalas kong nadarama
na hindi kayang itago sa tuwing ala-ala mo na sumagi,
sa dilim ko nalang ay pinapapatak mga pananabik ko
na muli ka na makapiling.
Kaya’t wag na wag kang mangamba
kung sakali man na maisip mo na
ako’y mahalin mo ulit, pumarito ka’t bukas palad ka na…

Hanggang ngayo’y umaasa pa rin ang puso
na magbabalik, at madarama pa rin ang ‘yong halik.
Kahit na may kasama ka ng iba,
ikaw pa rin ang nag-iisa…

Mahiwagang Pag-ibig na binalot na ng kalungkutan ko at pighati
dama ang hapdi sa mga pagkakamali alam kong ako’y nagmadali
ang mapatawad ako sa sarili mo alam kong hindi mo pa kaya
bakit ba dinaya ng panahon bakit ba bigla ka ng pinalaya
alam mo bang hindi ko pa kayang sabihing limot ka na
ang paghilom ng damdamin bakit hindi ko magawa
isisigaw ko na mahal kita wala silang magagawa
susundin ko ang nadarama dahil hindi ko kayang mawala
ang pag-ibig na matagal na nakagapos ang puso
bakit hindi matapos lahat-lahat
iniwanan mong kalat-kalat ang mga luha
hindi ko na makuha pang ngumiti
sa bawat sandali,sandali naaalala ka,naaalala ka…

Hanggang ngayo’y umaasa pa rin ang puso
na magbabalik, at madarama pa rin ang ‘yong halik.
Kahit na may kasama ka ng iba,
ikaw pa rin ang nag-iisa…

Hanggang ngayon nakakulong pa din ang puso ko sayo
umaasa na balang-araw ay mapansin mo
at madugtungan muli ang mga panahong nasayang
dulot ng pagkalayo parang hindi ka nanghinayang
sa mga pagsubok na pinagdaanan nating dalawa
ngunit ngayon limot mo na ang lahat ng yan
dahil meron ka ng kasama na sayo’y nagpapasaya
at nagbibigay ngiti sa oras na malungkot ka.
Ngayon ako ay nagsisisi kung bakit iniwan ka
hindi na sana nangyari kung puro lungkot ang nadama
pero sa sasabihin ko at aaminin ko sayo
na mahal na mahal pa din kita at yan ang totoo…

Hanggang ngayo’y umaasa pa rin ang puso
na magbabalik, at madarama pa rin ang ‘yong halik.
Kahit na may kasama ka ng iba,
ikaw pa rin ang nag-iisa…

Hanggang ngayo’y umaasa pa rin ang puso
na magbabalik, at madarama pa rin ang ‘yong halik…

Laging positibo ang nilalaman ng isipan ko kahit na wala ka na
pilit umaasa na maibabalik pa ang mga panahon
na tayo pang dalawa ang magkasama sa saya, sa ngiti, sa tuwa
at sa mga bagay na pagsubok na dumaan satin
binabalewala ang lahat na para bang walang problema.
Ngunit bumitaw ka hindi ko inaakala na ipagpapalit mo ako sa iba
ang akala ko na matatag mawawala nalang na para bang isang bula.
Sa pagpikit ko ng mata naaalala pa mga masayang sandali nakikita pa
mga halik mo saking labi hanggang ngayon damang-dama ko pa.
Umaasa pa rin ako na tayo pa rin
magkakatuluyan kahit na meron ka ng iba
kahit sa panaginip nalang ito mangyayari
hindi ko na imumulat aking mga mata.
Handa kong isuko lahat kahit mabigat ang hinihinging kapalit
ibibigay ko,isusugal ko at para sa’yo gagawin ko
malaman mo lang na mahal parin kita…

Hanggang ngayo’y umaasa pa rin ang puso
na magbabalik, at madarama pa rin ang ‘yong halik.
Kahit na may kasama ka ng iba,
ikaw pa rin ang nag-iisa