Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (3 votes, average: 2.67 stars)
Loading...

Ang Tugon Rosas Ng Digma – Musikang Bayan Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Ang Tugon Rosas Ng Digma – Musikang Bayan

Ika’y paru-parong nangahas lumipad
Sa dilim ng gabi, pilit na umalpas
Pagkat hanap mo’y ningning at laya ng bukas
Sa aking mundo’y napadpad

Tulad ng iba ay nagmamahal din
Kahit malayo ay liliparin
Upang pag-ibig mo’y iparating
Sa rosas ng ‘yong paningin

Refrain
Ako’y nagagalak at tayo’y magkasama
Sa bawat pangarap
Sa piling ng masa
Magkahawak kamay
Sa pakikidigma
Para sa isang lipunang malaya

at kung mayroong unos at bagyong dumating
ang tatag ng pag-ibig nati’y subikin
sa isat-isa hindi iiwanan
digma’y ipagtatagumpay

Refrain (2x)
Ako’y nagagalak at tayo’y magkasama
Sa bawat pangarap
Sa piling ng masa
Magkahawak kamay
Sa pakikidigma
Para sa isang lipunang malaya

At isang pag-ibig
tunay at dakila