Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (1 votes, average: 5.00 stars)
Loading...

Anak Ng Bayan – Musikang Bayan Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Anak Ng Bayan – Musikang Bayan

Inay, Itay ako po ay lilisan
Patutunguhan ko ay isang digmaan
Mag-aalay ako ng panahon at buhay
Para sa kalayaan

Inay, Itay ‘wag kayong mag-alala
Inyong pagmamahal ay lagi kong madarama
Sa marami pang ama at inang mapagkalinga
Sa tahanang alay nila

Sa aking pag-alis kayo’y hindi rin mawawalan
Libong anak sa inyo’y laging magdaraan
Katulad ko rin, mabubuting anak ng bayan

Pagbati ko sa inyo’y ihahatid nila
Silang anak nyo rin at kasama
Kasabay ng mga ngiti sasabihin nila
Inay, Itay kumusta na

Inay, Itay sa ating paglalayo
Pinapangako kong hindi tayo mabibigo
Ang ating hanggad na malayang bukas
Ay tiyak na matutupad

Sa aking pag-alis kayo’y hindi rin mawawalan
Libong anak sa inyo’y laging magdaraan
Katulad ko rin, mabubuting anak ng bayan
Katulad ko rin, mabubuting anak ng bayan