Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (2 votes, average: 4.50 stars)
Loading...

Itatanan Kita – Cue C X Pzycho Sid Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Itatanan Kita – Cue C X Pzycho Sid

Chorus:
Dadalhin kita kahit san mo gusto
Babaguhin ko ang kapalaran mo
Lilibutin natin dalawa ang mundo
Itatanan kita
At gagawin ko lahat ng pantasya mo
Mapapasigaw ka na lang ng ay Diyos ko
Kahit anong sabihin nila
Itatanan pa rin kita

Alam ko naman na maaga pa tayong magsama
Wala pa nga tayong nalalaman sa kalsada
May gatas pa sa labi at hindi pa kargada
At maraming tumututol pero di nila kaya
Maraming pumapapel para madiskarel
Ang ating pinapangarap na magkaron ng papel
Yung libo-libong salapi teka lang sandali
Kailangan nating pagplanuhan wag kang magmadali
Basta ibibigay ko sayo ang buhay ng prinsesa
May sarili kang kutchero, pambili ng kalesa
Ginto at diamante ang lahat ng lamesa
at isama mo na din yung bagong Porsche sa karera
at ipagmalaki natin sa mga ichapwera
Para makita nila na di ka na basurera
Pag kasama mo ako wala ka ng problema
Kaya magbalot ka na mag-impake ng maleta, tara!

Chorus:
At dadalhin kita kahit san mo gusto
Babaguhin ko ang kapalaran mo
Lilibutin natin dalawa ang mundo
Itatanan kita
At gagawin ko lahat ng pantasya mo
Mapapasigaw ka na lang ng ay diyos ko
Kahit anong sabihin nila
Itatanan pa rin kita

Magbalot ka na ng gamit at sumama ka na sakin
Hawakan ang aking kamay mundo’y libutin natin
Kahit saan abutin basta’t tayo’y magkasama
Kahit pa tayong dalawa ay di pa mag-asawa
Pangakong dadalhin ka sa harap ng dambana
Wag kang mag-alinlangan basta’t sakin magtiwala
Ikaw ang dahilan kung bat ako ay tumatawa
Pagkat sa puso ko tumama ang panang mahiwaga

At walang
Dahilan
Para tayong dalawa’y mag-iwanan
Isa lang
Ikaw lang
Ang babaeng hindi ko papalitan
Kahit napakaraming umaaligid dyan
Mga babaeng malaboteng katawan
Hindi papansinin at di ko tititigan
Dahil kung may pagnanasahan yun ay ikaw lang

Chorus:(repeat 3x)
At dadalhin kita kahit san mo gusto
Babaguhin ko ang kapalaran mo
Lilibutin natin dalawa ang mundo
Itatanan kita
At gagawin ko lahat ng pantasya mo
Mapapasigaw ka na lang ng ay diyos ko
Kahit anong sabihin nila
Itatanan pa rin kita