Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (2 votes, average: 3.50 stars)
Loading...

Desiderata – Ms. Charo Santos Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Desiderata – Ms. Charo Santos

You are a child of the universe,
no less than the trees and the stars;
You have a right…
You have a right
Desidera
Desidera

Lumakad ng matatag
Sa ingay man o kasagsagan,
Taglay ng iyong puso ang angking katahimikan
Hangga’t makakaya, magbabang loob ka sa lahat ng tao,
Pero huwag isuko ang prinsipyo

Laging sabihin ang totoo
Nang mahinahon at malinaw at makinig sa kapwa
Kahit mangmang o di nag-aral
Lahat tayo may sariling kwento
Iwasan ang mga hambog at mapupusok
Dala nila ay ligalig sa puso
Kung ihahambing mo ang sarili sa iba
Baka ka lang yumabang o mainggit
Dahil laging may taong mas o mas mababa kaysa sa’yo

You are a child of the universe,
No less than the trees and the stars;
You have a right to be here.
And whether or not it is clear to you,
No doubt the universe is unfolding as it should.

Magpasalamat sa iyong mga narating
At paghandaan ang iyong kinabukasan
Magsumikap sa trabaho
Anumang simple nito
Ang hanap buhay ay haligi
Sa pabago-bagong ihip ng panahon
Maging mahinahon pagdating sa kalakal
Ang mundo ay puno ng mga manloloko
Pero huwag namang ipikit ang mga mata
Sa kabutihan ng tao
Marami sa atin ang namumuhay nang may prinsipyo
At kahit saan, may mga bayani
Huwag patigasin ang puso
Dahil sa harap ng lungkot at kabiguan
Pag-ibig ang may kapangyarihan
Sa langit at lupa
Pakinggan ang payo ng panahon
Masaya mong isuko ang mga ligaya ng kabataan
Patibayin ang iyong loob sa harap ng mga unos
‘Wag patalo sa mga pangamba
Marami sa ating mga takot ay dala ng hapo at pangungulila
Sa gitna ng iyong sikap, pagod at tiyaga
Mahalin mo pa rin ang iyong sarili

You are a child of the universe,
No less than the trees and the stars;
You have a right to be here.
And whether or not it is clear to you,
No doubt the universe is unfolding as it should.

Kaya laging tumingala sa Diyos,
Anuman ang pagkakilala mo sa kanya
At anuman ang iyong pinaglalaban at sinisikap maabot
Sa magulo at masigalot na buhay
Palagiing mapayapa ang iyong kalooban
Sa kabila ng kabiguan, dagok at wasak na pangarap
Maganda pa rin ang ating mundo
Lagi kang mag-iingat
Hanapin mo ang iyong ligaya

You are a child of the universe, no less than the trees and the stars;
You have a right to be here.
You are a child of the universe, no less than the trees and the stars;
You have a right to be here.
And whether or not it is clear to you,
No doubt the universe is unfolding as it should.
You are a child of the universe, no less than the trees and the stars;
You have a right to be here.