Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (No Ratings Yet)
Loading...

Caloocan Mabuhay Ka – City Hymn Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Caloocan Mabuhay Ka – City Hymn

Lawaran mo ay kagitingan
Nanahan sa iyo ang katipunan
Hinilom ang sugat ng himagsikan
Pugad ka ng Katapangan
Nasa pahina ng kasaysayan
Ngalan mo ay Caloocan

Caloocan, Kanlungan ng Pag-asa
Pagningasin ang tagumpay
Pag-ibig ay ialay

Caloocan, dakilang lungsod ng mga bayani
Isabuhay ang minimithi
Ipunla ang pagkakaisa
Caloocan Mabuhay ka!

Sama-samang salubungin
Sipag at tiyaga ay pagbutihin
Tayo’y mga lingkod
Sa mutya nating lungsod
Pag-alabin ang damdamin
Tayo na Caloocan, Mabuhay ka!

Caloocan, Kanlungan ng Pag-asa
Pagningasin ang tagumpay
Pag-ibig ay ialay

Caloocan, dakilang lungsod ng mga bayani
Isabuhay ang minimithi
Ipunla ang pagkakaisa
Caloocan Mabuhay ka!

Sama-samang salubungin
Sipag at tiyaga ay pagbutihin
Tayo’y mga lingkod
Sa mutya nating lungsod

Pag-alabin ang damdamin
Tayo na Caloocan,Mabuhay ka