Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (No Ratings Yet)
Loading...

Kasi Nga Mahal Kita – Monterial Production Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Kasi Nga Mahal Kita – Monterial Production

Chorus (PINAYNASTY):
wag ka ng magtataka
kung bakit ka laging tinititigan ng aking mga mata
dahil aking napuna sayo ang kakaiba
at di ko mapigilan ang aking nadarama
wag ka ng magtataka
sapagkat sayo ko lamang nakita ang kakaiba
hindi na magiiba ang aking nadarama
(alam mo kung baket?) kasi nga mahal kita

Verse 1 (Cornerfill)
simula ng makita kita ako ay naakit mo
at napatanong dito saking sarili kung bakit ko
hindi magawang maiwasan na tumitig sa mata mo
sa twing nasisilayan ka ligaya ang natatamo
kita mo?
kung gano ka-lakas sakin ang yong appeal
sa tingin ko’y mahal kita yun lang ang aking nafi-Feel
at si CORNERFILL ay napa-ibig mo ng biglaan
pano ba naman kase, nakakabighani ang taglay mo na kagandahan
di ko na malaman kung anong gagawin kapag ikaw ay laging nanjaan
at ako ay natutulala pag saking harapan biglaan kang napapadaan
tandaan mo ito na ikaw lamang talaga ang natatangi kong gusto
kaya naman ang katulad ko ay nabaliw na sayo ng husto
o DIYOS KO! pano ko ba mapipigilan ang aking naramdaman
katatapos ko lang na masaktan ngayon ay muling napa-ibig nanaman?
kaya sana naman ay maunawaan mo ako sinta
wag ka ng magtataka kasi nga mahal kita

Chorus

Verse 2 ( Spaine ) :
nakakabighani ang taglay mong kagandahan
di ko na mapipigilan aking naramdan sayo ng lubusan
sa twing nasisilayan ka
anong saya aking nadarama
ako’y nabihag mo ng bigla di mo naman sinasadya
pero ang pakiramdam ko sayo ay di na mag iiba

simula nang makasama kita sa isang okasyon
di ko malaman sa aking sarili kung bakit nga ba ako nagkaganun
siguro nga nasayo ang katangian na matagal kong hinanap
bawat nagdaraan na gabi hindi kumpleto pag hindi kita nahagilap
ang kislap ng iyong mga mata ay palagi kong tinititigan
di kaibigan , o kachikahan
gusto ko tayo ay magkasintahan
kaya sana naman ay mapagbigyan mo na ako sinta
wag ka ng magtataka kasi nga mahal kita

Chorus

Verse 3 ( PINAY HUSTLIN ):
wag ka ng magtatanong, pagkat ngayon alam mo nang lahat aking nadarama
ikaw nakapag iba at nag bigay ng sigla
ang dahilan kung bat ayoko ng mapag isa

oh ngayon alam mo ng eksakto ang nilalaman ng puso kong ito sayo na parabang
mababaliw sa kaiisip pag hindi ka nakikita
dito sa piling ko pangakong hindi ka luluha
dahil lahat ng titig mo animo ay may ” SPARK”
kaya naman pangalan mo sa puso ko ay naka-” MARK”
basta , isang mensahe lang gustong ipahatid na ako’y inlove sayo at yun kung di mo pa batid
na may tinatangi kang di ko nakita sa iba
at sana ay yong mapuna itong aking pagdadrama
pagtuonan ng atensyon tong ginawa ko na kanta
at sana’y mapansin mo na kasi nga mahal kita

Chorus

BRIDGE:
wag ka ng magtatanong, pagkat ngayon alam mo nang lahat aking nadarama
ikaw nakapag iba at nag bigay ng sigla
ang dahilan kung bat ayoko ng mapag isa