Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (No Ratings Yet)
Loading...

Ikaw Ang Mahal – Monterial Production Ft. General Ng Sagpro Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Ikaw Ang Mahal – Monterial Production Ft. General Ng Sagpro

HYMN TO INTRO: PiNAYHUSTLiN
Hiwaga na nadarama tila ay nag iba.
Lahat ng to’y nagbago mula ng makita ka!
Kislap ng ‘yong mata’y di na maalis sa isip ko :)
Sana malaman mo na merong pagtingin syo,
Pangalan mo laging nakatatak sa isip ko.
Lahat ng to; oo ito ay totoo oh giliw ko!

1ST VERSE: B0SSMHACKY
Nang makilala ka ang puso ko’y naging sagrado!
Sa twing lalapit ang iba puso’y nagsasarado.
Kahit na di pa tayo, mahal agad kita :)
Kapag anjan ka na ako’y iwas sa balisa!
Nabalisa (nabalisa) na parang may nais sabihin,
Itong tanong na to lagi mo lamang iisipin.
“Oy miss mahal kita pano ka ba aangkinin?”
Sana malaman mo ito; itong lihim kong pagtingin.

CH0RUS: PiNAYNASTY
Ikaw ang mahal, at wala ng iba.
Ang puso mo at puso ko ating mapag-isa,
Mapag-isa ng may ngiti sa mga mata.
Basta ikaw ang katuwang lahat ng ito ay magagawa!
Ang kalungkutan ay napalitan na ng tuwa.
Saking piling sana di ka mawala :)

2ND VERSE: SPAiNE
Anghel ka saking paningin kapag ikaw ay nakikita!
Ang pagmamahal na nadama sana’y di na humupa.
Ang nadaramang ito na ikaw lang pintig ng puso,
Kahit taon pa ang antayin hinding hindi ako susuko!
At sana pag malaman mo na merong pagtingin sayo,
Wag mo ng palagpasin at pangalagaan mo ito!
Kung hindi pa ito ang tamang panahon para sabihin ko sayo.
Na mahal na mahal kita! nako. jusko baliw na to :)
Ni hindi ko kayang mawala ka saking paningin.
Ikaw ang aking dasal, dalangin at tanging hiling.
Ng isang katulad ko na sayo lang nagkaganto!
Hindi masabi ang nadarama kung bat ako nagkaganto.
Hiwaga nga ang nadama mula ng makilala ka.
Binihag mo agad ang puso kahit medyo may kaba!
Sobrang saya hanggang ngayon mula ng masilayan ko :)
Ang kagandahan, kabutihan na pinapangarap ko.

CH0RUS:

3RD VERSE: PiNAYHUSTLiN with HENERAL
Ikaw ang nakatuklas ng pag ibig kong sagrado.
At muli nang nagbukas ang puso kong nakasarado!
Ang kandado at susi sa posas ng tambalan,
(Eto na ba ang oras upang tayo’y magmahalan?)
Ako’y makatang simple may pagkaromantiko.
Ako’y nahulog sa prinsesa na hindi simpatiko!
Dating paliko liko ang landas na binabagtas.
Salamat saiyo sa pagliko saking landas!
Dahil hindi naaksaya dama saya sa pagpasya,
Dating di na masaya ay sumaya nung nagpasya.
Na ikaw na ang ibigin ng puso kong nag iisa!
Upang ang puso mo at puso ko ay ating mapag isa.
Dahil ang himig ng pag-ibig ko gustong ipahatid,
Maging ang tinig ng pag-ibig ko hindi mapapatid!
Dahil ikaw lang at ikaw. Ikaw lang at ako :)
Maging pag-ibig kong ito! naging tapat sayo.

CH0RUS:

4TH VERSE: HENERAL
Ikaw lang ang nagbukas sa puso kong nakasara.
Kaya naman ngayon kakaiba aking saya!
Ayoko ng mawalay pa ako sayo sinta,
Sayo ko lang inalay ang sinulat kong kanta.
Dahil ikaw aking anghel na lagi saking gagabay!
Inspirasyon ko sa papel; maging saking paglalakbay.
At ang pagsubok na tulay, tatawirin nating sabay!
Kakayanin kong lahat basta wag kang mag-gu-goodbye.
Ikaw na ba ang aking susi sa mga pangarap ko?
At mawala ka lang saglit ikaw lagi ang hanap ko.
Pagkat ikaw lang ang sigaw, ikaw lang at walang iba.
Hinding hindi maliligaw o manliligaw sa iba.
Kaya ikaw, wala na ngang iba!
Dahil ikaw! sa puso ko nag iisa.
Ikaw ikaw ikaw, sa ilaw ko ay nagbukas.
Sana ikaw lang at ako ay hindi na magwakas!

CH0RUS:

Videokeman Search