Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (2 votes, average: 5.00 stars)
Loading...

Chhayong – Mobb and Kejs Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Chhayong – Mobb and Kejs

maraming salamat,mahal kita marahil masabi ko man sayo’y
kulang pa, mula ng maluwal mo ako’t mabigyan ng buhay mapaghele maduyan at
mapagtimpla ng gatas panlaman sa sikmura kong mumunti tuwing
iiyak isusukli mo ay matamis mong ngiti,magawang mapagod ay hindi,
maski ang braso mo’t binte mengalay sa kakakarga ng sanggol mong humihikbe
lahat ng yan at tiniis ni kahit minsan di mo naisip magsisi at mainis
kahit pagod at ang likod na ay pawis binabalewala,nawawala lamang sayo ng kay bilis
masilayan mo lang ang tawa ng sanggol mong mahal, ano mang hingal at hirap sa pag
aaruga’y natatanggal siguro nga’y wala pa kong muwang
nung unang pinaramdam mo sakin to kaya samat po’t nakwento mo

Inabot mo sakin ang yung kamay mga yakap mo’t kasabay ang halik
mo na di mawala saking pisngi ramdam ko,
palaging nakangiti sa tuwing ako’y magkakamali
palagi mong tatandaan nandito ako para gabayan ka palagi

hanggang sa paggapang,paglakad,pagtakbo ay natuto
nilisa na’t nagkakuto may katigasan na ang ulo
nagiging pilyo na at nagiging pasaway panay na
ang laro’t madungis ang paa’t kamay ngunit nandyan ka ina’y nakahanda
at sasabihin wag malikot wag magpapawis palagi ang habilin
pag may sugat sa tuhod sa halik mo’y papawiin
pag may punit ang saluwal ko’y agad mong hahabihin
ikaw ang una at naging pinakamagaling na gurong nagturo ng mahalagang aralin
mahusay na doktor na syang tagapag pagaling pag inubo at sinipon
at sa twing lalagnatin lahat ng yon hanggang ngayon ay tandang tanda ko pa rin
hanggang saking pagtanda ay di ko buburahin pagmamahal at lahat ng sakripisyo
mong tinanim ay dadalhin,kahit sang lupalop man ako makarating
(i love you mama)

Inabot mo sakin ang yung kamay mga yakap mo’t kasabay ang halik
mo na di mawala saking pisngi ramdam ko,
palaging nakangiti sa tuwing ako’y magkakamali
palagi mong tatandaan nandito ako para gabayan ka palagi

mama maraming salamat sa lahat at bawat mali ko hanggang ngayon
sinusukli mo’y patawad salamat mahal kita yan ang gustong iparating
salamat at pagkat hanggang ngayon ikaw ay nandyan parin
salamat sa pagiging sang tunay na kaibigan na palaging nandyan
tuwing kaylagan ng sandigan salamat sa pag tama ng lahat ng kamalian
salamat sa pag ibig mong di lang panandalian
bagkus pang habang buhay,salamat sa pagpapatnubay salamat mahal na mahal
ko po kayo nay ito po ang regalo ko sayong kaarawan isang kantang buong
puso kong pinag kaabalahan, sana po ngayon ay napapangiti ka na dyan
habang narinig hanggang pagkatapos tong pakinggan
i love you mama’ yan lang po ang gusto kong sabihin at di magsasawa na uulit ulitin

Inabot mo sakin ang yung kamay mga yakap mo’t kasabay ang halik
mo na di mawala saking pisngi ramdam ko,
palaging nakangiti sa tuwing ako’y magkakamali
palagi mong tatandaan nandito ako para gabayan ka palagi
Inabot mo sakin ang yung kamay mga yakap mo’t kasabay ang halik
mo na di mawala saking pisngi ramdam ko,
palaging nakangiti sa tuwing ako’y magkakamali
palagi mong tatandaan nandito ako para gabayan ka palagi

Videokeman Search