Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (18 votes, average: 4.83 stars)
Loading...

Bulag – Mitoy Yonting Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Bulag – Mitoy Yonting

Kay dali akong naakit sa iyo
Di napigil ang damdamin ko
Bakit ba ganun ang aking nadama
Dina nag isip kung sino ka

Ba’t hindi ko mapigilan
Parang tuksong dumaraan
Bakit ba laging naandiyan

Heto na naman ako di malaman
Dapat bang muli ay magmahal
Nang puso ay mapagbigyan
Sabi nga nila ang pag-ibig ay bulag

Ngunit bakit ba naduduwag
Kapag katulad mo ang kaharap

Di maisip kung ano ang susunod
Hahayaan bang mag paanod
Sa agos ng tubig na kay harut
Na sa puso ay bumabalot

Ba’t hindi ko mapigilan
Parang tuksong dumaraan
Bakit ba laging naandyan

Heto na naman ako di malaman
Dapat bang muli ay magmahal
Nang puso ay mapagbigyan
Sabi nga nila ang pag-ibig ay bulag

Ngunit bakit ba naduduwag
Kapag katulad mo ang kaharap
Ohhhh…… (Repeat Last Chorus)