Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (2 votes, average: 5.00 stars)
Loading...

Nadale – Ayeeman and Mikekosa Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Nadale – Ayeeman and Mikekosa

Nang ikaw ay mahalin
Lahat ay kinaya ko
Ngunit iyong pinagkalulo
Ang tapat kong puso
Sa paraan na
Halos ikamatay ko

1st verse:
Wari’y galit at nakatulala
(Tulala)
Sa pangyayari’y kaybilis nanghihina
Di inaakala na magiging ganito
Mas magulo pa yata ang isip ko sa mundo
Lasunin niyo ko gusto kong mawala
Isang tinig napakaraming salita
Ilang araw na sarili ko ay balisa
Di makapaniwalang ginago mo bigla

Chorus:
Ohh Dale nadale mo ako
(Nadale mo)
Sa’yong ngiti napaniwala mo ako
Kulay mo’y kakaiba nagbabalat kayo
Tatanga tanga akong nagtiwala sayo
Ohh dale nadale mo ako
(Nadale mo)
Sa’yong ngiti napaniwala mo ako
Kulay mo’y kakaiba nagbabalat kayo
Tatanga tanga akong nagtiwala sayo

2nd verse:
Sayang, ang oras na inilaan
Ibinigay sayo lahat
Basta’t aking makakayanan
Habang pag ibig mo’y
Wala palang katotohanan
Saksi ang kalangitan sayong
Panlilinlang, panlilinlang
Matinding galit ang sa puso’y di naalis
Tanging ikaw lamang nagdulot
Ng sobrang hinagpis
Sa aking pusong tapat
Sayo’y nagmamahal ng labis
Tinapakan mo lang, niyurakan
Niyurakan ng niyurakan mo

Repeat chorus

3rd verse:
Tulad mo’y nakakamangha
Salapi ang katapat
Nang yong pagmumukha
Lahat mahal mo basta’t
May maibibigay sayo
Yaman, yaman, yaman, yaman
Tao ka ba may puso ka ba
Nakakatulog ka pa ba?
Sana sayong pag idlip
Ay magising ka pa
Kataksilan mo
Nadarama ko pa hanggang ngayon
Sige tumawa ka magsaya ka pa
Sa mga pang gagago mo
ohhhhhhhhhh, nadale mo

(Haha, Eman da great beats)
Pina ikot ikot at nadale
Nang hindi ko namamalayan
Simpleng bagay at tampuhan lang
Ay aming pag aawayan
Porket ba ako’y salat
Mahirap at ika’y mayaman
Basta mo na lang aawayin
Porket di ka nalalawayan
Sating relasyon ako’y umasa
Pero palagi na lang bigo
Akala ko tunay na pag ibig
Yun pala’y isang laro
Na kailangan nang hayaan
At dapat ng pabayaan
Kaylangan na tanggapin ba minsan
Kahit di mo na makayanan
Di ko masukat akalain
Na huwad ang yong damdamin
Para sakin na ako’y mahulog
At kumagat sa pain
At ako’y ginamit lang
Kasabay nang yong paglinlang
Walang humpay na pagdududa
Tamang hinalang nagbintang
Ako sayo ikaw at ako
Sating dalawa sino bang mali
Alam mo ang tunay na dahilan
Huwag mong sabihin na hindi
Dahil minahal kita ng lubos
Ang pag ibig ko ay taos
Binalewala ang relasyon
Kaya maagang nagtapos
Adios