Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (1 votes, average: 5.00 stars)
Loading...

Larangan – Jablo and Mikekosa Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Larangan – Jablo and Mikekosa

Chorus:
Wag mong pasukin ang laro
Kung di mo tutuparin
Ang yong pangako na
Habangbuhay mong mamahalin
Utang mo ang iyong pangalan
Sa larangan
Ako ikaw kayo
Na umani ng palakpakan
Sagana sa pangarap
Magmula ng pagkabata
Lumikha ng talata
Bilang makatang
Umaakyat sa entablado
Merong kalidad
Na hawakan ang mikroponong
Nakabaliktad (Nakabaliktad)

Mikekosa verse:

Nagsalubong na ang kilay ko biglang sumungit
makikita mo sa palad mo na nakaguhit
wag kang maglilikot kumapit lamang sa estribo
sa tagiliran mo baka malagyan ka ng gripo
labing dalawang taong sinaliksik dinukumentaryo
ang buhay ng isang mandirigmang galing ng baryo
at wala kang nalalaman sa aking pinagdaanan
musmos ka plang nun sunod sa utos ng magulang
mukang nakalimot ka sa ibig sabihin ng art
opinyon lamang sa walang kabuhay buhay mong part
Nagrereklamo na sa buhay na hindi sumasagana
ang iniisip mo’y wala na so bigyan ng pampagana
hindi nga baka kinukulang ka ng kalinga
sabagay ilan taon ka ding naging alila
makaluma ang dala mong kahoy eto ang balila
Panangga sa kayabangan mong hindi pa tumitila
hindi to papogian yun ang hindi mo inisip
Skills ang dapat at hindi pataasan ng tf
Sa dami ng yong butas imposibleng di masilip
tanchado ko ang taon baldado ka kapag umihip
Respeto sa lahat pagbibigay pugay sa tango
at ilang masayang araw na akoy langong lango
Sagad sa alak habang ikay inoobserbahan
at wala kong dahilan para ikay palakpakan

Chorus:
Wag mong pasukin ang laro
Kung di mo tutuparin
Ang yong pangako na
Habangbuhay mong mamahalin
Utang mo ang iyong pangalan
Sa larangan
Ako ikaw kayo
Na umani ng palakpakan
Sagana sa pangarap
Magmula ng pagkabata
Lumikha ng talata
Bilang makatang
Umaakyat sa entablado
Merong kalidad
Na hawakan ang mikroponong
Nakabaliktad (Nakabaliktad)

Jablo verse:

buong taon nag abang muling hawakan
mikropono’t ibuhos mga bawat nalalaman
kapalit ang inasam ko na papuri at pag galang
habang nangangapa ka nadapa ka sa pangalan
ng isang kilalang dayabolikong makatang
di aninag sa labas ang natatagong kalooban
merong pinag aralan masasabing edukado
pag usapang balagbagan ay nawawalan ng modo
mga dinaanan ko baka di mo pa naranasan
kaya wag mo kong daanin sayong mga balasahan
limang taon sa rap game tinubuan na ng sungay
hindi ako batak sadyang mata ko ay mapungay
mula pa sa tanay dun sa bayan kong sinilangan
sa rap talento ko hindi mo chong mababayaran
bat di maunawaan di tayo pwedeng magsama
sa taas ng yong lipad parang hindi ka na kasama
mga tula mo tol ay halatang pilit ang lalim
susumahin mo ako baka hindi mo lang kayanin
wag kang maging panggap at wag ka din yung gaya gaya
malamang sa malamang mahina ka pa sa mahina
kaylangan ng alalay para mag mukang dakila
pero ang katotohanan ay isa ka lang alila
alila ng kahapon na hindi mo matakasan
di mo mapagkaila ako ang nais mong sapawan

Chorus:
Wag mong pasukin ang laro
Kung di mo tutuparin
Ang yong pangako na
Habangbuhay mong mamahalin
Utang mo ang iyong pangalan
Sa larangan
Ako ikaw kayo
Na umani ng palakpakan
Sagana sa pangarap
Magmula ng pagkabata
Lumikha ng talata
Bilang makatang
Umaakyat sa entablado
Merong kalidad
Na hawakan ang mikroponong
Nakabaliktad (Nakabaliktad)