Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (92 votes, average: 3.91 stars)
Loading...

Sa Pangarap Lang (Ang Awit Ni Lira) – Mikee Quintos Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Sa Pangarap Lang (Ang Awit Ni Lira) – Mikee Quintos

Nais kong liparin ang himpapawid
At maabot ang ulap at langit
Nais kong marating ang asul na dagat
at languyin ang kanyang rikit

Nais kong mahiga sa kandungan ni ina
at lasapin ang kanyang mga haplos
Nais kong marating ang paraiso
Upang doon ay mamahinga
Itong pagod kong puso

Sa pangarap lang makakamtam ang inaasam
Sa pangarap lang malalasap ang saya nitong aking buhay
Sa pangarap lang maghihintay
Sa pangarap aking mahal
Doon ako’y maghihintay

Sa pangarap lang makakamtam ang inaasam
Sa pangarap lang malalasap ang saya nitong aking buhay
Sa pangarap lang maghihintay
Sa pangarap aking mahal
Doon ako’y maghihintay

Aking mahal

Videokeman Search