Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (15 votes, average: 4.00 stars)
Loading...

Ambon – Migz and Maya Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Ambon – Migz and Maya

Tumitigil ang pag-ikot ng
aking munting mundo
kapag nakikita ang iyong ngiting
kasing liwanag ng
araw-araw ninanais marinig
ang tawang siyang tumunaw
sa pusong giniginaw sa lamig ng lumipas.

Ngunit kahit magkaharap.
Dito ay bumabagyo.
Ngunit diyan, umaambon lamang.

Ako’y nakatayo
sa lilim ng iyong yakap at halik.
Ngunit nalulunod pa rin.
At nangangarap na maanggihan man lang
ng pag-ibig mong binihag ng mga ulap.

Paano ba patitilain ang bagyo,
kung ang gusto mo lang ay ambon? ohh whooah
Paano na ito? ohh whooah

Paano ba patitigilin ang (Paano na ito?)
pagbuhos ng bagyo? (Paano na ito?)
pagbuhos ng bagyo?

Ako’y nakatayo
sa lilim ng iyong yakap at halik.
Ngunit nalulunod pa rin.
At nangangarap na maanggihan man lang
ng pag-ibig mong binihag ng mga ulap.

Paano ba patitigilin ang
pagbuhos ng bagyo?
pagbuhos ng bagyo? (Paano ba patitigilin ang)

Paano ba patitigilin ang pagkahulog ko sa’yo?

Paano ba patitigilin ang
pagbuhos ng bagyo?
pagbuhos ng bagyo? (Paano ba patitigilin ang)

Paano ba patitilain ang bagyo,
kung ang gusto mo lang ay ambon? ohh whooah
Paano na ito? ohh whooah

Videokeman Search