Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (12 votes, average: 4.17 stars)
Loading...

Kung Akin Ang Langit – Mcoy Fundales and Clara Benin Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Kung Akin Ang Langit – Mcoy Fundales and Clara Benin

Kung akin ang langit
Laging may bahaghari
Tumingala ka lang
Tiyak kang ngingiti

Kung akin ang mga ibon
Paawitin sila
Ipadarama sayong
Mahal na mahal kita

Kung akin ang mga titik, isusulat ko ito
Kung akin ang musika, ito ang himig ko

Nananananananana….

Kung akin ang langit
Mag-uuwi ng bituin
At dadalhin sayo tuwing
Takot ka sa dilim

Kung akin ang dagat
Ituturo ko sayo
Mahiwagang kahariang
Katha ng isip mo

Kung akin ang mga titik, isusulat ko ito
Kung akin ang musika, ito ang himig ko

Nananananananana….

Hindi man sa’kin ang langit
Ikaw nama’y akin
Mapasa’kin man ito
Hiling ko’y ikaw pa rin

Nananananananana….

Kung akin ang langit
Abot mong mga ulap
Mala bulak na mga anyong
Pagtulog mo’y kayakap