Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (14 votes, average: 4.00 stars)
Loading...

Miss Na Miss Na Kita – Mcnaszty One, Blingzy One, Curse One & Aprhyl Breezy Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Miss Na Miss Na Kita – Mcnaszty One, Blingzy One, Curse One & Aprhyl Breezy

Ako ay sabik na sabik na sayo. (sabik na sayo)
Oh aking mahal. (Oh aking mahal)
Ako ay labis, labis na nangungulila.
Ating pagtibayin ang ating pagmamahalan
na kahit ika’y malayo hinding-hindi ko bibitawan
ang ating sumpaan sa isa’t-isa,
Miss na Miss na Kita…

Hindi man dumating ang araw na minsang hiniling
ang araw na gustong mayakap, gustong makausap
pero hindi mo pinapansin.
Baka pwede naman, baka pwede mong pagbigyan
kahit saglit kasi medyo sabik, laging litrato mo ang tinititigan.
Ala-alang noong pa tayo’y masaya kahit anong problema
laging magkakasama basta’t nandyan ka diba.
Naging mabigat na higit sa lahat ang pagmamahal na binigay ko sayo
naging alamat ang pag ibig na tapat na kakahintay muli lang mabuo.
Ang nais ng damdamin at sana’y liparin pa ng hangin
ang eroplanong papel na nag-uugnay sa anumang bagay
na kahit tayo’y magkalayo ay tumitibay…

Ako ay sabik na sabik na sayo. (sabik na sayo)
Oh aking mahal. (Oh aking mahal)
Ako ay labis, labis na nangungulila.
Ating pagtibayin ang ating pagmamahalan
na kahit ika’y malayo hinding-hindi ko bibitawan
ang ating sumpaan sa isa’t-isa,
Miss na Miss na Kita…

Palagi kong naaalala ang mga araw na kasa-kasama ka
mga ngiti mo na kaytamis na sakin ay nagbibigay ligaya
kahit na anoman dumating na problema satin.
Dahil ikaw at ako ay naging matibay
sa kahit anomang pagsubok na satin ibinigay ng tadhana.
Wala ng makakatumbas sa pag-iibigang wagas
kahit na ikaw ay malayo, ako ay patuloy na maghihintay sa’yong pagbabalik
dahil ako’y sabik sa iyong mga yakap na palaging hanap
mga sandaling hawak ang ‘yong kamay at sabay na nangako kay bathala.
Sayo ko lang ibibigay ang pagmamahal kong ito
hanggang sa tayo ay magsama na,
tanging sayo lamang ako hahalik ikaw na ang huling babae sa buhay ko
(Nykiel, Nykiel) Miss na Miss na Kita…

Ako ay sabik na sabik na sayo. (sabik na sayo)
Oh aking mahal. (Oh aking mahal)
Ako ay labis, labis na nangungulila.
Ating pagtibayin ang ating pagmamahalan
na kahit ika’y malayo hinding-hindi ko bibitawan
ang ating sumpaan sa isa’t-isa,
Miss na Miss na Kita…

Ako’y hindi makatulog sa gabi sa kakaisip sayo
pero kahit ganito, iindahin ko
dahil kailangan hindi dahil sa gusto ko.
Nasa malayo ka man, lagi mong tatandaan na hindi yon ang dahilan
para mawala ang tibok ng dalawang pusong nag-iibigan.
Miss na Miss na Miss na Miss na Miss na Kita, sabik na sabik na sayo
bumilis naman sana ang pag-usad ng oras para maipadama ko sayo
ang lamig na dulot ng panahon na hindi ka kapiling ang init ng pag ibig mo
na hinahanap sa bawat oras, minuto at segundo…

Ako ay sabik na sabik na sayo. (sabik na sayo)
Oh aking mahal. (Oh aking mahal)
Ako ay labis, labis na nangungulila.
Ating pagtibayin ang ating pagmamahalan
na kahit ika’y malayo hinding-hindi ko bibitawan
ang ating sumpaan sa isa’t-isa,
Miss na Miss na Kita…

Sabik na sabik na sayo, Miss na Miss na Kita
alam ko na ganun ka din sakin at tunay nga ang pagmamahalan natin.
At hindi malabo kahit na malayo tayo sa isa’t isa kaya wag kang mag-alala
dahil kahit na ano pa ang mangyari sating dalawa
makakaasa ka, sa pagbalik mo’y nandito parin ako.
Para sayo lang nakalaan ang puso kong ito
walang ibang makakapagpabago ng nadarama ko sayo mahal,
Miss na Miss na Kita…

Ako ay sabik na sabik na sayo. (sabik na sayo)
Oh aking mahal. (Oh aking mahal)
Ako ay labis, labis na nangungulila.
Ating pagtibayin ang ating pagmamahalan
na kahit ika’y malayo hinding-hindi ko bibitawan
ang ating sumpaan sa isa’t-isa,
Miss na Miss na Kita…

Videokeman Search