Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (1 votes, average: 5.00 stars)
Loading...

Paraisong Parisukat – Martin Nievera Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Paraisong Parisukat – Martin Nievera

Narito ka’t tumatangis
Sa ‘yong munting paraiso
Pagmasdan mong paligid nito
Inaamag, inaagiw

Heto ako’t sumasamo
Dinggin ang aking pagsuyo
Sanlibo’t isang paraiso’y
Inaalay ko sayo

Tayo na giliw sa malawak na kalikasan
At salubungin ang bukang liwayway
Madarama mo ang pagsabog ng liwanag
Mahahawakan mo bahaghari at ang sinag
Sa tuwina’y mamahalin ka

Giliw, dalangin ko’y iwan mo na
Ang ‘yong paraisong parisukat
Sanlibo’t isang paraiso’y
Inaalay ko sa iyo, giliw

Dalangin ko’y iwan mo na
Ang ‘yong paraisong parisukat
Sanlibo’t isang paraiso’y
Inaalay ko sa iyo habang nabubuhay ako
Paraisong ito’y handog ko sa iyo lamang
Giliw….