Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (No Ratings Yet)
Loading...

Nang Tayo’y Namaalam (Moonlight Drawn by Clouds Tagalog Version) – Marianne Topacio Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Nang Tayo’y Namaalam (Moonlight Drawn by Clouds Tagalog Version) – Marianne Topacio

I
Parang kailan lang
Nang namaalam,
Ating mga landas,
nabalot ng kalungkutan

II
Sa panaginip
ika’y nariyan
Muling binubuhay ang ala-ala

Chorus
At naro’n ka, sa ‘kin naghihintay
Pinawi mo ang mga luha
Yakap at tamis ng iyong ngiti
Tila sa ‘kin nagsasabing

“Kahit na wala ka sa ‘king tabi
Sa ‘king puso’y maglalagi
Tandaan magpakailanpaman,
Pangako ay nakaukit sa kalangitan”

III
Ang larawan ng
ating pagmamahal
Sa panaginip
Dalangin ko ay masilayan

IV
At nang sa wakas
ay matagpuan,
Liwanag sa gitna nitong kadiliman

Chorus
At kahit na wala ka sa ‘king tabi
Sa ‘king puso’y maglalagi
Tandaan magpakailanman,
Pangako ay nakaukit sa kalangitan

Instrumental

Bridge
Ang oras man ay lumipas
‘Di man magtagpo ang landas
Sa puso’t isipa’y
mananahan tayong dalawa, wala nang iba

Chorus
At naro’n ka, sa ‘kin naghihintay
Pinawi mo ang mga luha
Yakap at tamis ng iyong ngiti
Tila sa ‘kin nagsasabing

“Kahit na wala ka sa ‘king tabi
Sa ‘king puso’y maglalagi
Tandaan magpakailanpaman,
Pangako ay nakaukit sa kalangitan”