Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (3 votes, average: 4.00 stars)
Loading...

Goodbye My Love (Tagalog) – Marianne Topacio (Fated to Love You) Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Goodbye My Love (Tagalog) – Marianne Topacio (Fated to Love You)

Mga luha’y pumapatak
Nagbabalik, alaala
Pilitin ma’y hindi malimot pa
Sa ‘kin ikaw na ang lahat

Oh ika’y, ‘di man masilayan, ‘di man mapakinggan
Sa akin ay ayos lang
Pamamaalam nga’y magdulot man ng hapdi
Katumbas nama’y iyong mga ngiti at kasiyahan,
Ako’y

Mananabik, pilit ka mang limutin
Mga luha’y bubuhos sa damdamin
Tanging ikaw, laman nitong puso
Ikaw nga, ikaw lang
Hangad ko lamang ay lumigaya ka
Paalam, mahal

Kalungkuta’y nababatid
nitong pusong humihikbi
pilitin ma’y sadyang di maikubli
Tanging ikaw sa puso

Oh ika’y, ‘di man maging akin, ‘di man makapiling
Lahat ‘di alintana
Puso’y masaktan man at dumaloy mga luha
Katumbas nama’y iyong mga ngiti at kasiyahan,
Ako’y

Mananabik, pilit ka mang limutin
Mga luha’y bubuhos sa damdamin
Tanging ikaw, laman nitong puso
Ikaw nga, ikaw lang
Hangad ko lamang ay lumigaya ka

Alaala ko sana’y huwag limutin
Tanging hiling ng pusong naninimdim
Hanggang sa muli, landas ay magtagpo
Maghihintay ang puso
Sa ‘kin ikaw, magpakailanpaman

Paalam, mahal

Videokeman Search