Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (1 votes, average: 5.00 stars)
Loading...

Crazy of You – Marianne Topacio (Hyorin the Master’s Sun Tagalog Version) Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Crazy of You – Marianne Topacio (Hyorin the Master’s Sun Tagalog Version)

Naririnig mo ba’ng aking puso?
Nasisilayan ba’ng mga luha ko?
Sa mundo’y nag-iisa, tangi at walang iba
Ikaw lamang ang nais ko
Oh…

Bakit lagi na lang ika’y tumatakbo
Bakit sakin ika’y laging lumalayo
Manatili saking tabi, hawakan aking kamay
Kung ako’y mahal

Nababaliw ang puso sa ‘yo
Patak ng mga luha’y hawak mo
Ikaw nga’y kay lapit ngunit tila
hanging sakin ay umiiwas bigla

Pag-ibig sakin ay kay ilap
Tanging dulot ay pagluha
Mapagbiro’t kay sakit
Mapaglaro nga itong pag-ibig

Maari bang ika’y muli kong mahagkan?
Maari bang muling sayo’y magpaalam?
Huwag sanang mabubura, mga alala nating dalawa

Nababaliw ang puso sa ‘yo
Patak ng mga luha’y hawak mo
Ikaw nga’y kay lapit ngunit tila
hanging sakin ay umiiwas bigla

Pag-ibig sakin ay kay ilap
Tanging dulot ay pagluha
Mapagbiro’t kay sakit
Mapaglaro nga itong pag-ibig

Balang araw nga’y muling magkikita
At sana’y huwag nang magpaalam pa

Sinasambit ng puso’y, “Mahal kita”
Sinasambit ng luha’y, “Patawad”
Kahit gaano itago mga kataga’y kusang lumalabas

Pag-ibig sakin ay kay ilap
Tanging dulot ay pagluha
Mapagbiro’t kay sakit
Mapaglaro nga itong pag-ibig