Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (3 votes, average: 2.00 stars)
Loading...

Estranghero – Maria Cafra Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Estranghero – Maria Cafra

Bata pa ako sa inay mawalay
Nilisan ko aming tahanan
Tanging dala, awit at gitara
Sinimulang maglakbay, di alam ang punta

Sinagupa ko init ng haring araw
Nilusob ko buhos ng ulan
Hapdi ng sikmura di ko alintana
Nagbabakasakaling makahanap ng kakilala

Chorus
Estranghero, ako’y estranghero
Ako’y napadpad dito sa bayan n’yo
Estranghero, ako’y estranghero
Sa konting tulong ninyo, awit ang bayad ko

Chorus
Estranghero, ako’y estranghero
Ako’y napadpad dito sa bayan n’yo
Estranghero, ako’y estranghero
Sa konting tulong ninyo, awit ang bayad ko

Sakali mang awit ay napakinggan n’yo
Pasensyahan kung wala sa tono
Tanging ito lamang ang maigaganti ko
Pagkat ako’y estranghero, wala kahit singko

Chorus
Estranghero, ako’y estranghero
Ako’y napadpad dito sa bayan n’yo
Estranghero, ako’y estranghero
Sa konting tulong ninyo, awit ang bayad ko