Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (20 votes, average: 4.20 stars)
Loading...

Bakit Mo Ako Iniwan – Madd Rhyme Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Bakit Mo Ako Iniwan – Madd Rhyme

Chorus:
Bakit ba iniwan mo ang isang katulad ko,
Ano bang dahilan upang ako ay iwan mo,
Sabihin mo kung anong nagawang kasalanan,
Para ako ay limutin at iyong talikuran.

1st Verse: (Mac G.)
Bakit mo ako iniwan ano ang kasalanan,
Buhat ng mawala ka sakin hindi ko na to makayanan,
Hindi kaba kuntento sakin kulang ba ang pagmamahal ko,
Kaya ang kapalit ng mga nagawa ko puro lamang panloloko,
Nasayang lang ang panahon ko’t pagmamahal na nilaaan,
Ano ang dahilan mo sakin bakit ako’y iyong iniwan,
Buong katapatan binigay ko dahil sa kala ko ikaw na nga,
Ang babaeng para sakin sa buhay ko’y makakasama,
Kung alam mo lang kung gano kasakit ang mga bagay nagawa mo,
Di na sana kita minahal at sayo ay nagpakagago,
Sa dinami dami ng babae pwedeng makilala bakit ikaw pa,
Kaya kapag bumalik ka sakin wag mo ng asahan mahal pa kita.

Repeat Chorus

2nd Verse: (Blame)
he’re we go
Pwede ko bang malaman kung bakit mo ako iniwan,
Nagulat kasi ako ni hindi ko alam ang yong dahilan,
At nasan na ba ang mga pangako mo at iyong mga salita,
Na di mo ko sasaktan at di ako sayo luluha,
Bakit ba ako’y tinalikuran at kinalimutan,
Di ka ba masaya sa akin kaya ako’y iyong iniwan,
Sinayang mo ang pagmamahal na inalay ko sayo,
Sana’y tama ang yong disisyon ng iwan mo ako,
Di mo sana pagsisishan ang lahat ng mga bagay na ginawa mo sa akin,
Hanggang ngayon ay nakatatak parin sa isip ko kung pano mo ko paluhain,
Iwanan mo ng walang dahilan yan ang pinaka di ko kayang tanggapin,
Lalo na nung sinabi mo sakin na na di mo na ko kayang mahalin.

Repeat Chorus

3rd Verse:
kay sakit ng ginawa mo bigla mo na lang akong iniwan,
ano ba ang dahilan mo bakit mo ko sinasaktan,
hindi ko lubos na maisip na ako ba sayo’y may kasalanan,
sana sa pagalayo mo sakin ito ay aking makayanan,
bakit ba ginanito mo puso kong nagmamahal sayo,
hindi naman kita niloko at bakit sayo pa nabigo,
tanong ko lang naman sayo naalala mo pa aba ito,
nung una mong sinabi sakin na mamahalin lang ako,
nagsumpaan pa naman tayo na di magkakahiwalay,
nakatingin sayong mata habang hawak iyong kamay,
at sinabi mo sa akin mamahalin ako ng tunay,
bigla akong napangiti at buhay ko ay nagkakulay.

Repeat Chorus

4h Verse: (Mac G.)
Bakit ba ganon na lamang iniwanan mo ang puso ko na matagal na nag aalay sa iyo,
Ng Pagibig sana marinig ang mga sinsabi ng awitin para sa iyo,
Ang puso ko kahit ilang beses ng pinaluha di ko maiwasan na ako’y mapaluha,
Sa mga bagay na pananakit habang ako’y nagiisa sumasalisi ka lang pala,
At di ko man lang namalayaan na ako’y iwanan mo at lagi kong tinatanong na bakit ba ganto,
Ang dereksyon na di malaman ang takbo ng relasyon,
At ano ba talaga ang nagawa kong kasalanan para lang sirain mo ang tinayo ng pundasyon,
At di rin ba naging sapat na binigyan kita ng pagmamahal sa sarili bakit di mo maintindihan,
Na ika’y minamahal patutunayan ko sayo idadaan sa musika sana iyong maunawaan,
Ang mga sinasabi ng awitin ko bumalik ka na dahil mahal parin kita ngayon,
Kahit na iniwanan ng kay habang panahon ikaw lamang iniisip at sayo nakatuon,
Ang pagmamahal na ikaw lamang ang sumayang ng iniwan mo ako hindi kaba nanghihinayang.

Bridge:
Bakit mo ako iniwan ng nagiisa,
Ano ba nag nagawang kasalanan sayo sinta,
Sana’y di mo pagsisihan ang lahat lahat
Bakit mo ako iniwan hindi pa ba sapat.

Repeat Chorus