Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (16 votes, average: 4.06 stars)
Loading...

Xxx – Loonie Ft. Hi C Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Xxx – Loonie Ft. Hi C

Naaalala ko pa date, high school, pare
Meron akong kaklase, hayup na babae
Ako’y suplado na smooth, nice move, swabe
Di ko kinakausap, di ko type kunware
Itatago ko na lang sa pangalang Janelle
Usong uso pa noon yung pasahan ng papel
Pero lahat ng gusot, nahahanapan ng lusot
Kahit marameng nang-aasar: “Crush ka nung kulot!”
“Sino? yung payatot na brush-up yung buhok?
Kinse anyos pa lang ako, batang mapusok
Malakas ang loob kahit labas ay marupok
Kaya direkta kong sinabe at wala ng pautot
Tinapat ko sya, sabi ko: Ikaw ang crush ko
Tinanong ko sya ng past nya, sinagot nya ko ng Pasko
Uminit ang Disyembre, biglang ginaw ng Mayo
Recess na ba? Hindi pa pero break na tayo

Nasaan ka na? Ako kaya’y naaalala pa
Nais sana kitang tawagan kaso baka maabala ka
Nasaan ka na? Ako kaya’y naaalala pa
Nais sana kitang tawagan kaso baka maabala ka

Storya ng dati kong nobyang si Rossann
Ako yung bestfriend nya slash utusan
Magkaubusan man, walang iwanan
Kahit magkaipitan, kame nagtutulungan
Mano sa tatay, hatid-sundo sa bahay
Kabiruan ang kapatid, kasundo ang nanay
Kame ay natigilan at nagkakatitigan
Dalawang magkaibigan na nagkaibigan
Apat na taon, away bati, hila at tulak
Hanggang sa isang araw bigla kameng nag-usap:
“I need space” Noo nya’y nakakunot
“Space? Bakit di ka na lang mag-astronaut”
Tapos binanatan nya ko ng classic na palusot
“It’s not you, it’s me” Sino? Yung umutot?
Dinadaan ko sa biro kahit puso ko’y natibo
Halos isang taon ko rin itong hindi pinahipo

Nasaan ka na? Ako kaya’y naaalala pa
Nais sana kitang tawagan kaso baka maabala ka
Nasaan ka na? Ako kaya’y naaalala pa
Nais sana kitang tawagan kaso baka maabala ka

Hanggang sa nakilala ko si Leslie Anne
Sa Myspace, ako’y kanyang tinestihan
Nice face! Ako’y naseksihan
May katabing chick sa pic, kala ko lesbian
Nagkita kame, inglisan pa nung una
Pinakita nya saken yung mga tato nya
Nag-usap kame, umaga, tanghali hanggang gabi
Magkatabi naghati kame sa mamahaling kape
at tatlong kaha ng Marlboro na pula
Kaya tuloy aming lamesa’y puro abo na
Walang araw na hindi ko sya kasama
Katabi ko sya sa kama kahit di ko sya asawa
Siya yung tipong, parang barkada
Sanay tumambay sa kalsada
Masaya na sana, kaso wala na
Wala ng load, last piso ko na to
Kahit papano, namimiss ko rin kayo.. ang cheesy..